^

Punto Mo

Mga gagawin kapag nagkaroon ng pasa

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

“BRUISE” kung tawagin ang mga pasa. Lumalabas ang mga pasa sa katawan kapag nabunggo, bumagsak, nahulog, o nasuntok. Kahit ang pagkuha ng dugo sa braso ng mga med tech ay nag-iiwan din ng pasa. Ang mga taong umiinom ng aspirin ay madaling magpasa.

Ang “black eye” ay isang klase ng pasa. Kung nagka-black eye ka, lagyan agad ng yelo ang paligid ng mata at inspeksyunin ang mata kung may pagdurugo dito. Kung may pagbabago sa iyong paningin, o kung hindi mo maigalaw ang mata sa iba’t ibang direksyon, magpakonsulta na.

 

Ano ang mga puwedeng gawin sakaling magkaroon ng mga pasa?

•  Maglagay ng yelo o cold compress sa apektadong lugar sa loob ng 10 minuto kada 1-2 oras. Gawin ito sa loob ng dalawang araw para matulungan natin ang ating mga ugat na kumitid at mabawasan ng pamamaga.

• Kung posible, iangat ang area ng katawan na may pasa sa taas ng iyong puso. Mababawasan ang dugo sa area na may pasa.

•  Ipahinga ang kamay o paang may pasa para hindi na ito maabuso pa

•  Kung masakit pa rin ang pasa makalipas ang 48 oras, maglagay ng warm compress, bote na may mainit na tubig, o heating pad sa apektadong bahagi.

Kailan dapat mag-alala at magpakunsulta?

• Kapag may mga senyal na ng impeksyon gaya ng matinding pangingirot, pamamaga, pamumula

• Kung may kasamang paglalagnat ang pagpapasa, at walang matukoy na dahilan para sa lagnat

• Kapag tumitindi ang kirot habang nagtatagal o kung hindi mo na talaga maigalaw pa ang apektadong bahagi.

• Kung lagi ka na lamang nagpapasa o kung paulit-ulit ang pagkakaroon mo ng di-maipaliwanag na pagpapasa. ibig sabihin, hindi naman nasaktan, nabugbog, nahulog, o nabunggo.

• Kung nakaramdam ng matinding kirot sa mismong bola ng mata kaysa sa eye socket  o sa butong nakapaligid sa mata.

PASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with