Paano sisimulan ng positive energy ang iyong umaga?
Bumulong ng “Maraming Salamat” nang tatlong beses bago ka buma-ngon.
Habang naliligo, isipin mo na ang tubig na lumalabas sa shower o tubig na ibinubuhos mo mula sa tabo ay naging liwanag na kulay gold. Pinalilibutan nito ang iyong katawan bilang proteksiyon sa maghapon laban sa negative energy.
I-bless mo ang iyong morning drinks (kape, tsaa, tubig, juice, etc.) sa pamamagitan ng pagbulong ng positibong pangungusap. Halimbawa: a) sa pamamagitan ng inuming ito, ako ay mas magiging malikhain sa aking mga dinidisenyong gown. b) pasisiglahin ng tubig na ito ang aking katawan upang maging masigla sa pagtatrabaho.
Tuwing binubuksan mo ang isang bagay gamit ang susi, laruin mo sa iyong isipan na ang binubuksan ay mga oportunidad, na magdadala sa iyo tungo sa katuparan ng iyong mga pangarap.
Pausukan ang iyong bahay ng insenso upang itaboy ang negative energy. Mag-concentrate ng pagpapausok sa madidilim na sulok. Maglinis ng paligid. Itapon ang mga lumang gamit na hindi na napapakinabangan. Nagdadala lang ang mga ito ng panis na enerhiya na umaakit ng sakit, awayan, kagipitan sa pera.
Mag-compose ng sariling mantra. Ito yung mga bagay na pinapangarap mong mangyari. Bigyan mo ng ilang minuto araw-araw ang iyong sarili na usalin ang ginawang mantra nang paulit-ulit. Magugulat ka na lang na nagkatotoo na ito.
- Latest