^

Punto Mo

Saranggola

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG anak daw ay parang saranggola. Simula pa lang sa ­unang araw na nagplano kang bumuo ng isang saranggola, ninais mo nang magmumula ito sa  mahusay na materyales. Hindi mo gugustuhing magkaroon ng saranggola na basta na lang binuo. Maghahanap ka ng makukulay na papel at hindi madaling mapilas, glue na madikit, matigas ngunit madaling baluktutin na piraso ng kawayan na magsisilbing gulugod ng saranggola.

Kapag natapos ang pagbuo, sisimulan mo na itong paliparin. Alalay lang ang pagpapalipad. Hindi mo muna itotodo ang pagpapaalagwa ng tali. Mababa muna pero kung nadarama mong matatag na ang paglipad nito ay saka mo hahayaang umalagwa ang tali hanggang makikita mo na lang na sumasayaw-sayaw ang iyong saranggola sa itaas na ang tingin mo ay humahalik na ito sa ulap.

Habang lumalayo siya sa iyo, nakakadama ka ng lungkot. Pero lungkot na may kakambal na saya dahil ang mataas at walang sab­lay niyang paglipad ang tanda na tagumpay ka sa pagbuo ng isang matibay na saranggola. Saka mo maiisip, nagawa mo nang maayos ang iyong responsibilidad bilang magulang. Ang saranggola…

SARANGGOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with