^

Punto Mo

Mga kuwentong diktador

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 2)

Hindi nagsesepilyo ng ngipin si Mao Zedong ng China. Kulay “lumot” ang kanyang ngipin na puno ng plaque. Sa sobrang dumi, infected na ang gilagid na nagnanana. Katwiran niya tungkol sa hindi niya pagsesepilyo, hindi na raw kailangan dahil nalilinis na raw ang kanyang ngipin tuwing umiinom siya ng tsaa. Bakit daw ang mga tigre, hindi nagsesepilyo pero sharp ang mga ngipin nito.

Palautot si Hitler dahil malala ang problema nito sa bituka. Gusto niyang palakasin ang kanyang libido kaya nagpapaturok siya ng semen ng toro. Ginagawa niya ito upang mapunuan ang kakulangan niya: Isa lang kasi ang betlog niya. Nalampasan niya ang 43 assassination attempts, ‘yun pala, siya ang papatay sa kanyang sarili.

Si Benito Mussolini ng Italy ay laging ngumangata ng bawang kahit may malala itong ulcer, dahil naniniwala siyang pampahaba iyon ng buhay. Bawang plus sakit sa bituka, maiimadyin ninyo kung gaano kalakas ang kanyang bad breath.

May promo pang ginawa noon si Mussolini. Bibigyan niya ng $2,000 ang sinumang mag-asawa na magpapangalan ng kanilang anak ng Benito or Mussolini.

Si Joseph Stalin ng Soviet Union ay mahigpit na nagbigay ng order sa kanyang mga bodyguards na kahit anong mangyari ay huwag silang papasok sa kanyang silid tulugan. Isang araw, tinesting niya ang mga ito. Nagsakit-sakitan siya sabay sigaw na tulungan siya. Agad pumasok ang isang guwardiya sa kuwarto ng diktador. Agad niyang binaril ang guwardiya hanggang sa mapatay dahil hindi sumunod sa mahigpit niyang bilin.

Kaya noong totoong inatake siya sa puso, kahit na siya ay umuungol bilang paghingi ng saklolo at naririnig ng mga guwardiya ang mga kalabog mula sa kanyang kuwarto, walang kumibo para siya ay i-check. Nakailang araw pa ang lumipas saka binuksan ang kanyang kuwarto sa pamamagitan ng kanyang anak na babae. Ang bumulaga sa kanila ay humihinga pang Stalin pero paralisado na ang buong katawan. Nakabulagta ito sa sahig at naliligo sa namamanghe niyang ihi. Pagkaraan ng tatlong araw pagkatapos isugod sa ospital, siya ay namatay.

May nagsabi na hindi na pinagsumikapan ng mga doctor na iligtas ito sa kamatayan dahil kapag gumaling ay baka pa sila ang sisihin kasama ang mga bodyguard at walang awang ipabitay. (Itutuloy)

MAO ZEDONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with