^

Punto Mo

Mga dapat gawin kapag nagkaroon ng pasa

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

KUNG nakaranas na kayong mauntog, mabunggo, napahampas, pihadong naranasan n’yo nang magka-pasa. Kapansin-pansin ang lumalabas na pangingitim ilang sandali matapos masaktan.

Ano nga ba’ng nangyayari sa loob ng katawan at pagkatapos na masaktan ang isang bahagi ay nangingitim ito o nangangasul?

Sumasabog ang mabababaw na ugat sa ilalim ng ating balat kapag tayo ay nabubunggo o nasasaktan. “Contusion” ang terminong medical para rito, mas kilala natin bilang “bruises”. Ang dugo na nanggagaling sa pumutok na ugat ay pumapasok sa mga katabing tissue, at ito ang magdudulot ng pangingitim o pangangasul sa natamong pasa.

Bukod sa trauma, ang mga taong regular na umiinom ng aspirin at anti-coagulant ay madaling magka-pasa. Yung ibang babae, bago datnan ng buwanang dalaw ay nakararanas ding magka-pasa. Kahit na nga ang simpleng pagkuha ng dugo mula sa ating braso ay puwede ring mauwi sa pagkakaroon ng pasa.

Ang “black eye” ay isang uri ng pasa sa paligid ng mata. Kung ano ang remedyong ginagawa natin sa iba pang pasa, puwede rin natin itong gawin sa “black eye”. Basta’t siguraduhin lamang na pasa lamang ito at walang naiwang pamumuo ng dugo sa loob ng mata. Kung di maigalaw ang mata sa iba’t ibang direksyon o kung nanlabo ang paningin dahil sa trauma, ipasuri agad ang mata.

Ano ang puwedeng gawin sa mga pasa-pasa na ‘yan? Makatutulong ang sumusunod:

Maglagay ng ice pack (bolsa de yelo o bimpong may yelo) sa lugar na may pasa sa loob ng 10 minuto (kada 1 hanggang 2 oras). Gawin ito sa loob ng unang dalawang araw para matulungang maghilom o sumara ang pumutok na ugat. Makababawas ito sa pamamaga ng lugar na nasaktan. Mas mainam kung malalagyan agad ng cold pack ang lugar na ‘yun hustong masaktan upang mabawasan na agad ang pagdurugo.

Kung posible, itaas ang bahaging apektado nang mas mataas kaysa inyong puso (sa mga pasa sa kamay, braso, at daliri). Mababawasan ang pagdaloy ng dugo sa nasaktang lugar at mababawasan ang pamamaga.

Ipahinga ang nasaktang kamay o paa

Kung masakit pa rin ang area matapos ang 48 oras, puwedeng gawin naman ang warm compress (mainit na bimpo, boteng may maligamgam na tubig sa loob, o heating pad).

Puwedeng uminom ng anti-inflammatory drugs gaya ng mefenamic acid tatlong beses maghapon hangga’t makirot

Puwedeng magpahid ng ilang cream na nagpapalabo sa pangingitim sa braso, hita, o mukha.

Kumunsulta kung pabalik-balik ang pagpapasa kahit na hindi naman nabubunggo. Magpasuri ng dugo.

PASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with