^

Punto Mo

Isang pagka- kamali

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY isinulat ang teacher sa blackboard:

9 x 1 = 9

9 x 2 = 18

9 x 3 = 27

9 x 4 = 36

9 x 5 = 45

9 x 6 = 54

9 x 7 = 63

9 x 8 = 72

9 x 9 = 81

9 x 10 = 91

Umalis sandali ang teacher at lumabas ng classroom. Hagikhikan ang mga bata. Nagbulungan pa ang mga ito:

“Ay may mali. Ulyanin na si Mam.”

“Ano ba ‘yan, titser sa Math, 9 x 10 lang, di pa nasagot ng tama”

“Hi hi hi, minsan nagiging tanga rin si Mam”

Ang daming bulung-bulungan ng mga bata pero bigla silang natahimik nang muling pumasok sa classroom ang teacher.

Nakangiti ang teacher.

“O, tapos na ba ang discussion ninyo tungkol sa maling sagot sa huling bahagi, ang 9 x 10? Iyong isang mali kaagad ang tumatak sa inyong isipan. Ngunit hindi  ninyo ako pinalakpakan sa siyam na tama kong sagot.

Lumabas ako ng classroom upang bigyan kayo ng pagkakataong mag-react sa ginawa ko. Hindi n’yo alam na nakasilip lang ako sa may bintana at pinapanood ko ang reaksiyon ninyo. Sinadya kong maliin ang sagot sa huling bahagi dahil gusto kong may matutuhan kayo.

Tandan-tanda ng mga tao ang isang mali mong ginawa pero bihirang tumatak sa isipan nila ang isandaang ginawa mong tama. Sa kabila ng malungkot na katotohanang ito, dapat ninyong matutuhan na maging matatag sa mga panlalait at paghuhusgang mararanasan ninyo. Isipin n’yo na lang na ito ay bahagi ng buhay. Manatiling matatag.”

BLACKBOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with