Pinakamahabang bandana sa mundo, 6 na buwang hinabi sa Cambodia
NAGAWANG makapasok ng Cambodia sa Guinness World of Records nito lamang nakaraang Linggo nang opisyal nang tinanghal bilang pinakamahaba sa buong mundo ang isang bandana na hi-nabi roon.
Umabot ng 1,100 metro ang bandana na pinagtulung-tulungang gawin ng humigit-kumulang 23,000 na katao. Inabot ang mga volunteers ng anim na buwan bago nila nakumpleto ang higit isang kilometro na bandana.
Libu-libong kabataan naman ang nagtulungan para sa paglalatag ng napakahabang bandana, na isinagawa sa labas ng Royal Palace sa Phnom Penh.
May basbas ng pinuno ng Cambodia na si Prime Minister Hun Sen ang proyekto, na siya pang nagtahi ng mga unang sinulid na bumuo sa bandana. Ang kanyang anak na si Hun Many naman ang kumatawan sa kanya para sa kaganapan nitong Linggo.
“This Guinness World Record is for all Cambodians,” pahayag ng anak ni Hun Sen, na nitong mga nakaraang taon ay sinusubukang makipag-ugnayan sa kabataan ng Cambodia sa pamamagitan ng social media.
- Latest