^

Punto Mo

Problema sa lugaw, goto, arrozcaldo at champorado

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

ISA sa paboritong pagkain ng mga Pilipino ang lugaw, arrozcaldo at champorado na maaaring kainin bilang almusal o mer-yenda. Mula bata hanggang matanda ay kinawiwilihan ang mga pagkaing ito. Masarap kumain ng mainit na lugaw at champorado kapag umuulan at malamig ang panahon. Mabenta kaya kabilang din ito sa menu ng maraming restawran, food court, restawran, karinderya at iba pang tindahan ng pagkain. Meron ngang mga kainan na kahit lugaw lang ang kanilang itinitinda ay kumikita pa rin. At iba’t ibang klase pa ang lugaw nila at iba’t iba ang presyo depende halimbawa kung may itlog o karne o lamanloob ng baboy o baka o walang sahog.

Bukod diyan, patok din sila sa mga handaan, piyesta at karaniwang inihahain sa mga gawaing pangkawanggawa at maging sa kampanya ng mga kumakandidato tuwing halalan.  Matipid kasing ihanda at lutuin at mura. Hindi masyadong magastos. Karaniwan ding ipinapakain ang lugaw at arrozcaldo sa mga may sakit.

Ang isang problema sa lugaw, goto, at arrozcaldo, kung tutuusin, napakaraming kanin ang laman nito. Kadalasan, sa isang puswelo, may isang laman lang ito na sahog na tulad ng isang maliit pirasong karne ng manok o  lamanloob ng baka o baboy. Kung ikokonsidera ang sinasabi ng mga health expert na nakakapagdulot ng sakit na diabetes, nakakataba, at nagpapataas ng blood sugar level ang pagkain ng napakaraming puting kanin, magiging problema pala ito sa  madalas na pagkain ng lugaw at arrozcaldo na binubuo ng napakaraming puting kanin (wala pa akong naenkuwentrong lugaw at arrozcaldo na brown rice ang ginamit na kanin). Parang walang pinagkaiba sa unli rice na mas marami ang kanin kaysa sa ulam.  Paano pa ang champorado na binubuo lang ng kanin, gatas at asukal at walang sahog bagaman nakukulayan siya ng cocoa? Sabagay, may mga champorado na sinasahugan din ng tuyo o dilis pero mas nakakarami pa rin ang kanin.

CHAMPORADO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with