^

Punto Mo

Planting trees project ng Masons

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

SECRET! ang ginagawang tulong  ng mga brethren na pawang mga miembro ng ‘The Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines,’ ito ay para panga-lagaan at sa ikabubuti ng kalikasan dahil magtatanim sila ng 1 million mga puno sa iba’t ibang lugar sa Philippines my Philippines.

Ibinida ni Most Worshipful Romeo Momo, inumpisahan nila ang pagtatanim sa isang bahagi ng La Mesa Dam last Sunday (June 24), kasabay ng pista ng aming Patron na si St. John the Baptist.

Sabi nga, maghapon sila sa site kaya karamihan na mga brethren ay nag-iba ang kulay dahil sa tindi ng init pero masaya lahat sila.

Prioridad kasi ni Grand Master Momo, ang “Plant a Million Tree and Save the Environment Project!’

Sabay-sabay ang ginawang tree planting activities ng mga brethren around the Philippines my Philippines tulad sa Santa Ilocos Sur, Alfonso Lista at Lamut sa Ifugao, Tuguegarao City, Santiago City, Maddela at Cabarogguis sa Quirino, Aritao sa Nueva Vizcaya, Botolan sa Zambales, Olongapo City, Bongabon sa Nueva Ecija, Bulakan-Bulakan sa Bulacan, Cavinti sa Laguna, San Jose, Roxas at Bongabong sa Oriental Mindoro, Lian at Tanauan City sa Batangas, Sto. Domingo sa Albay, Bacon sa Sorsogon, Milagros sa Masbate, Lahug sa Cebu, Zamboanga City, Bayug Island sa Iligan City, Butuan City, Surigao City, Lingig sa Surigao Del Sur. 

Nagkaroon din ng Tree planting activity sa hometown ni MW Momo sa Tandag City, Surigao Del Sur, umabot sa 25,000 trees ang naitanim ng mga brethren sa kabuuan ng proyekto noong Linggo pero ipagpapatuloy pa rin ang plant a trees hanggang sa last term of office ni Grand Master next year.

“We have been deluged with all the bustle and brashness of life that somehow we have forgotten to take care of our environment.’ sabi ni MW Momo.

Bukod sa tree-planting activities, ang mga brethren ay aktibo sa pagsasagawa ng nationwide coastal clean-up na isang ‘humble contribution’ nila para sa pangangalaga at pagbibigay ng proteksyon sa kalikasan.

Abangan.

 • • • • • •

Windangan blues sa El Nido

 

Inumpisahan na pala ang puersahang demolisyon sa natitirang 27 establishments sa El Nido, matapos silang bigyan ng gobierno ng “notice to vacate” dahil nga pasok sila sa 3-meter easement zone.

Winindang ng Task Force El Nido ang mga structures sa Brgy. Masagana. Winasak din ang mga sea wall, pader at mga bahagi ng gusali doon.

May mga nag-self demolish na mga businessmen na nabigyan ng ‘notice for demolition’ last week.

Kuento ng ilang owners na sila mismo ang gumiba sa kanilang mga establishiment doon dahil kailangan silang sumunod para sa ikabubuti ng lahat, anila para ito sa negosyo at kalikasan.

Masikip na kasing masiado sa Bacuit Bay dahil sa mga structures na halos hanggang dagat na.

Isa sa nakitang problema ay kulang sa kagamitan ang demolition team kaya naman baka abutin pa ng halos dalawang linggo ang pagwasak nila sa dapat windangin dito.

May timeline ang grupo ng mangwi-windang marami sila dito pero ang problema ay ang mga kagamitan pang wasak.

Oras na naayos ang lugar kailangan ng sumunod ang mga bright noon na mga business establishment sa easement zone ngayon.

Bukod sa pagwasak sa mga sagabal sa Barangay Masagana at Buena Suerte ay isusunod ng gobierno ang mga structures sa Barangay Corong-Corong. Abangan.

MASONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with