Paano maging ‘positive’ kahit may sakit ka?
‘YAN ang mahirap gawin. Lalo na kung ang ipinagtapat ng doctor sa iyo kung gaano na kagrabe ang sakit. Pero mas malaki ang tsansang maging mabilis ang paggaling kung lalapatan ang kalagayan mo ng positive attitude:
Tanggalin ang kalat sa bahay. Hingin ang tulong ng mga kasambahay para maisagawa ang general cleaning ng bahay. Masarap sa pakiramdam ang malinis na kapaligiran.
Gawin ang iyong favorite hobby. Makipagkuwentuhan sa mga kaibigan.
Kumain ng masusustansiyang pagkain. Pagbigyan paminsan-minsan ang sarili na kumain ng comfort foods kagaya ng ice cream, chocolate, kung hindi ito makapagpapalala ng iyong sakit.
Laging magbitbit ng tubig upang bawat minuto ay nakakainom ka. Malaking tulong ang tubig para mai-flush ang mga lason sa katawan na nagdudulot ng sakit.
Laging buksan ang bintana ng kuwarto upang pumasok ang sariwang hangin. Ang paglanghap ng sariwang hangin ay nakakatulong upang maging masigla ang isip.
Laging maligo at maging maayos sa katawan. Kadalasan ay tinatamad maligo ang mga may sakit. Nakakasigla ng katawan at isip ang pagsho-shower nang madalas.
Makipagkomunikasyon sa mga kaibigan. Ipaalam sa kanila ang kasalukuyang pinagdadaanan mo. Nakakatulong ito para gumaan ang iyong kalooban. Hilingin na isama ka sa kanilang panalangin. Malaking tulong kung marami ang nagdadasal para sa iyo.
Laging manood ng comedy at humalakhak nang huma-lakhak. Remember, laughter is the best medicine.
- Latest