^

Punto Mo

Salaula nga ba o talagang hindi lang kaya?

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGPULASAN ang mga basurang naimbak ng matagal sa mga sapa at estero dahil sa walang puknat na buhos ng ulan, kaya kambyo reklamo naman ang mamamayan mula sa mahal na mga bilihin tungo sa isyu ng kaburaraang dulot ay baha na nakakaapekto sa pagtatrabaho at pag-aaral ng mga estudyante.

Ang mga estero na ginawang residente ng mga illegal settlers o iskwater ang nagpakipot ng daluyan ng tubig, karagdagan pa ang malalaking bulto ng  mga basurang itinatapon ng walang pakundangan ng  mga ito. Kahit anong gawin ni MMDA Chairman Danny Lim at ng mga tauhan nito ay hindi magtatagumpay kung ang asal na kasalaulaan ay mistulang sinasadya.

• • • • • •

Attention DILG Usec Martin “Bobot” Diño

Dapat patawan ng parusa ang barangay captains at mga kagawad na nakakasakop sa mga lugar na walang puknat ang pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar kung hindi nila kayang disiplinahin ang kanilang nasasakupan.

Kailangang magsampol si Diño para matauhan ang mga kunsintidor at walang pakialam na mga opisyales ng barangay. Sayang lamang ang ipinasasahod sa kanila ng taumbayan kung puro kayabangan at panghaharbat lang ang laman ng kanilang utak.

Kapalibhasa ay ginagawang makinarya nang karamihang mga Mayor, lalo na sa Metro Manila ang mga botante at NGO’s na nakapaloob sa grupo ng mga illegal settlers kaya spoliled ang mga hinayupak at estupidong bgy. captains, kaya malabo pa sa burak ng imburnal ang laman ng utak ng mga ugok!

Hindi dapat iasa sa  MMDA ang pangangalaga sa mga estero at sapa kung  nag-iisip lamang ang mga ito na sila rin ang magkakasakit at babalikan ng basurang itinatapon nila.  Kung hindi naman kaya ng bgy. officials, sige! Sir Danny Lim, dakpin at ikalaboso ang mga burara para madala. Now na!

• • • • • •

Walang puknat na pag-aanak at sablay na disiplina

Kung nakikiisa at nakikinig lamang sa panawagan ng gobyerno ang mamamayan na mag-family planning at pagyamanin ang responsible parenthood, sasapat sana ang kakayahan ng gobyerno sa pag-usad ng kabuhayan na angkop sa bilang ng bawat pamilyang Pilipino at malamang na kakayanin ang murang pabahay at wala sanang mga naninirahang iskwater sa mga estero at makasisiguro ang lahat  na may libreng unli-schooling pa, kung hindi tayo nag-over population. Kiss na lang muna! Okey ba Mayor?

Malaking bahagi ng pondo ng gobyerno ang napupunta sa Department of Health at Department of Education Culture and Sports, samantalang ang mga kalsada natin para sa dumaraming  mga sasakyan ay hindi na sapat  dahil sa malaking bulto ng mga pasahero, kaya malaking indulto talaga ang hinaharap ng mga economic managers ng bansa  dahil sa bilyong halaga ng industiya at pananalapi ang nawawala nang dahil sa trapik, baha at kawalang displina ng bawat isang Pilipino. Shalom!

DANNY LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with