^

Punto Mo

Mister nagselos, diniborsiyo ang misis pagkaraan ng 77-taong pagsasama

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lihim ang nadiskubre ni Antonio C., 99, ng Italy sa kanyang asawang si Rosa, 96. Ang lihim na ito ang naging dahilan para idiborsiyo ang kanyang asawa na nakasama niya sa loob ng 77-taon.

Naghahalungkat si Antonio ng mga lumang papeles sa kanilang drawer sa basement ng kanilang bahay nang madiskubre ang mga love letter ng isang lalaki na ipinadala kay Rosa noong 1940’s. Nakasaad sa sulat ang mga maiinit na pagmamahalan ng dalawa.

Hindi maipaliwanag ang sakit na naramdaman ni Antonio. Pagkaraan nang matagal na panahon ay nalantad ang lihim ng asawa na minahal niya nang labis.

Ang pangyayaring iyon ang naging dahilan para mag-file ng diborsiyo si Antonio. Siya ang itinuturing na pinaka-matandang nag-file ng diborsiyo. Ang mag-asawa ay may limang anak, 12 apo at isang apo sa tuhod.

 

vuukle comment

NAGSELOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with