^

Punto Mo

Promdi, target ng mga pekeng recruiter!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MATAGAL nang isyu ang dagsang pagluwas ng mga taga-probinsiya o ‘yung kung tawagin ng mga sosyal ay “promdi” sa Maynila. Nagsusumiksik sa siyudad makapagtrabaho lamang.

Sa henerasyon ngayon na pinaliligiran ng teknolohiya, di pa rin yata nabalitaan o napanood ng mga taga-probinsya kung gaano kagulo dito sa Maynila bagama’t sentro ito ng kalakalan ng bansa.

Andyan ang traffic, polusyon, mataas na bilang ng krimen, malaking populasyon at iba pa. Marami pa rin sa kanila ang nagbabakasakaling sa Maynila mahahanap ang magandang kinabukasan at hindi na sa pagsasaka sa probinsiya.

Eto ang patuloy na nagbibigay ng pagkakataon sa mga talpulano na isagawa ang kanilang mga krimen.

Dito, magbibigay akong muli ng babala. Aktibong gumagala ang mga pekeng job recruiters sa mga malalayong probinsiya para mambiktima ng mga probinsyano’t probinsyana. Katulad ng lumapit sa amin sa BITAG-Kilos Pronto. Dalawang kabataang anak ng mga magsasaka sa South Cotabato.

Nakilala lang ang isang babae sa parke habang namimigay ng hiring flyers para sa isang catering company.  Pinangakuan ng dorobo ang dalawa ng magandang trabaho at sahod sa Quezon City umano.

Sa sobrang tuwa ng dalawa dahil unang trabaho, nagbenta ng mga prutas -- pakwan at melon at mga gulay, para lang maipon ang tig-P5,000 hiningi ng dorobo. Limang araw at apat na gabing bumiyahe ang dalawa mula South Cotabato patungong Cubao, Quezon City. Matapos silang tagpuin sa Farmers, tinangay lang ang pera at di na sila binalikan.

Dahil naubos na ang lahat ng dalang pera, apat na araw nagpalabuy-laboy sa lansangan ang dalawa. Ang masama nito, nanakawan pa sila habang natutulog sa kalsada.

Isang MMDA officer ang nagdala sa kanila sa aming tanggapan. Sadyang nakakaawa ang dinanas ng dalawa. Maski ako nahabag sa kuwento ng buhay nila. Walang kaalam-alam dito sa Maynila subalit ayaw nilang umuwi dahil mas mahirap daw talaga ang buhay sa probinsya lalo na sa mga katulad nilang magsasaka.

Abangan sa BITAG ang kanilang buong storya. Mula Quezon City hanggang South Cotabato.

 

PROMDI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with