50 strategies para humimbing ang tulog
(Last Part)
41. Ang “alertness level” sa pagitan ng 1 pm at 3pm ay mababa kaya mainam na umidlip ng 26 minutes sa nabanggit na oras.
42. Uminom ng kape bago umidlip. Ang caffeine na pampa-alert ng isipan ay tumatalab 20 minutes pagkatapos mong maubos ang kape. Tamang-tama, tumatalab na ito paggising mo kaya alert ka na ulit.
43. Ang dalawa at kalahating oras (or tig-30 minutes sa loob ng 5 araw) na pag-aerobics per week ay sapat na upang maging mahimbing sa pagtulog.
44. Mag-laro ng bubbles na nilalaro ng mga bata. Ang “blowing bubbles” activity ay kahalintulad ng deep meditative breath na nagtatanggal ng stress at nagpaparelaks ng isipan.
45. Gawin ang 4-7-8 na paghinga. Huminga nang malalim sa loob ng 4 seconds. Pigilin ang paghinga ng 7 seconds. Palabasin ang hangin sa bibig sa loob ng 8 seconds. Gawin ito ng apat na ulit. Hinahayaan ng breathing exercise na ito na lagyan ng sapat na hangin ang baga para maraming oxygen ang maikalat sa ating katawan.
46. Makinig ng isa sa mga sumusunod na music na magaling daw magpaantok ayon sa isang pag-aaral: “Weightless” by Marconi Union; “Clair de Lune” by Claude Debussy; “Canzonetta Sul-aria” by Mozart; “Nocturne in E flat Major Op.9 No.2” by Chopin; “The Boxer” by Simon and Garfunkel.
47. Ang isang dahilan kung bakit hindi makatulog ay iniisip na nang advance ang mga gagawin kinabukasan. Para matahimik ang isipan at kalooban, isulat muna ang mga nakatakdang gawin kinabukasan at lahat ng mga pinoproblema mo bago matulog.
48. I-visualize na ang katawan mo ay dumadaan sa scanner—mula ulo hanggang paa. Bawat bahagi ng katawan na nadadaanan ng scanner ay narerelaks at nagbibigay ng ginhawa.
49. Huwag itutok ang electric fan sa iyong katawan habang nakahiga. Ang hanging direktang tumatama sa iyo ay lalo lang nagpapagulo ng iyong “aura” kaya ang resulta ay hindi ka makatulog. Itingala ang electric fan o itutok sa pader na malapit sa iyo para ang hanging tatalbog mula dito ang tatama sa iyo.
50. Pray. Nakakatulong din itong magpa-antok.
- Latest