^

Punto Mo

50 strategies para humimbing ang tulog

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 2)

8. Huwag nang gumamit ng electronic devices 30 minutes bago matulog.

9. Huwag uminom ng may caffeine pagkatapos mananghalian onwards: tsaa, kape, softdrinks, energy drink.

10. Kung hindi makatiis ng pag-inom ng kape, limitahan ng 2 tasa lang per day.

11. Huwag manigarilyo kapag malapit ka nang matulog.

12. Huwag matulog nang gutom ngunit iwasan naman ang pagkain ng marami 3 oras bago ang bedtime.

13. Iwasang magpuyat.

14. Tumulog sa magkaparehong oras gabi-gabi. Gumising ng parehong oras tuwing umaga. Ito ay upang hindi magulo ang inner body clock.

15. Kapag iidlip sa hapon, ito ay hindi dapat lalampas sa 30 minute. Huwag umidlip pagkalagpas ng 3 p.m.

16. Laging samahan ng mani ang iyong diet araw-araw. Ayon sa ginawang pag-aaral ng La Loma Linda University, ang mani ay mayaman sa selenium at magnesium na nagdudulot ng him-bing sa pagtulog. Ang isa pang mahusay na pampahimbing ay pistachio nuts.

17. Gumamit ng shades/sunglasses na may blue light-blocking glasses. Mainam ito sa mga taong laging gumagamit ng electronic devices kagaya ng computers, smartphones, tablets, and even televisions. Ang mga devices na ito ay naglalabas ng blue light na humahadlang para labasan ang iyong katawan ng melatonin. Ito ang hormone na tumutulong para makatulog ka kaagad nang mahimbing.

18. Magpa-araw ng 2 oras sa umaga upang manatiling maayos ang circadian rhythm. Tinuturuan nito ang ating katawan na ma-ging masigla sa araw at makadama ng antok pagsapit ng dilim.

19. Mag-shower sa gabi gamit ang maligamgam na tubig.

20. Mag-invest sa aircon, komportableng bed, mattress, unan at blanket. Wala nang hihigit pa sa maginhawang bedroom at higaan.

(Itutuloy)

STRATEGIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with