9 na palatandaan na malapit ka nang mangaliwa
Lagi kang wala sa bahay. Mas matagal pa ang inilalagi mo sa “labas” kaysa piling ng pamilya.
Hindi ka na nag-e-enjoy sa piling ng asawa. Ang tingin mo ay hindi na siya attractive at exciting na kasama kumpara noong bago pa lang kayo.
Nag-iimadyin ka na ng ibang tao na nais mong makapiling. Ang taong ito ang nagbibigay ngayon sa iyo ng isang libo at isang laksang “kilig”.
May binabarkada ka na opposite sex at halos lahat ng iyong oras ay ibinibigay mo sa kanya. Kung wala pa kayong ginagawang labag sa kagandahang asal, may malaking tsansa na hahantong din sa romansa ang “pagbabarkadahang” ito.
Ginagawa mong “confidant” ng iyong mga problema ang binanggit ko sa number 4.
Ikinukumpara mo lagi ang iyong asawa sa ibang tao at sa kasamaang palad ay siya lagi ang masama o palpak.
Naglalaro sa iyong isip: What if…tumikim ako ng asawa ng iba?
May pinapantasya ka na specific person na karomansahan mo.
Hindi mo na matandaan kung kailan kayo huling naglambingan na mag-asawa.
“You don’t have to have sex to be a cheater. Once you hide text messages, lying about where you’re going and who you’re with, you’re already on your way.” --lessonslearnedinlife.com
- Latest