^

Punto Mo

Disgrasyang dulot ng delihensiya, bumalandra!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGING eye opener ang pagkakahulog nina Rep. Alfredo Benitez, Rep. Celso Lobregat at Zamboanga Mayor Beng Climaco sa tulay na daanan patungo sa pabahay na ginawa para sa Zamboanga seige victims. Dito na nga nagsimula ang gigil nina Benitez, Lobregat at Climaco sa baldog na kalidad ng mga pabahay ng NHA, patunay ang gapok na tulay kung saan ang tatlo ay nahulog. Karma! Ang sigaw ng mga usisero, pero bakit naman tinamaan pati walang kinalaman?  Kawawa naman, pero salamat na rin!

Nahalukay ang mga katarantaduhan ng mga housing contractor ng NHA na gumamit ng substandard materials na ginamit sa pabahay ng gobyerno sa mga nasalanta ng Zamboanga seige noong 2013 sa panahon ng administrasyon ni P-Noy at marami pa ang hinahalukay sa ngayon. Salamat sa tulay, hahaha!

Hindi naman nakapagtataka na nababalahura ang mga proyekto ng gobyerno partikular sa Mindanao dahil sa dami ng nagdidilihensya sa contractors. Bukod sa SOPs na karaniwang ibinibigay ng mga contractors sa mga pulitiko, kumukurot din diumano ang mga rebeldeng Muslims at NPA sa kinikita ng mga ito, samakatuwid, magkadugo ang mga rebelde at mga pulitiko. Totoo kaya ito?

• • • • • •

Maglaglagan din kaya ang magkakakutsaba?

Habang iniimbestigahan ng Kongreso ang mga detalye at  kalidad ng mga proyekto sa mga biktima ng bagyong Sendong, Pablo, Yolanda at Zamboanga seige mula 2011 hanggang 2013, nangingiti na lamang ang observers at hinihintay na  maglalaglagan at ituro ang kakutsaba nila sa mga kabalbalan at kung sinu-sino ang mga dorobo sa kaban ng bayan. Kung tutuusin, mas masahol pa sa delubyo ang ginagawang kalokohan ng mga mistulang actor at actresses na mga pulitiko dahil dugo at pawis ng mga mamamayan ang dinudugas nila na nakalaan sa mga nangangailangan. Pero, bakit nga ganun? O Diyos na mahabagin, bahala Ka na po sa kanila!

 

• • • • • •

May konsensiya kaya ang Kadamay?

Heto na naman ang grupo ng Kadamay at pilit na puwersahang naniningil sa pangako ni Pres. Digong na pabahay sa mahihirap na Pilipino noong nakaraang eleksiyon. Sa totoo lang, mas marami ang mahihirap na hindi miyembro nila ang magpahanggang ngayon ay walang mga sariling bahay na nagbabayad ng buwis sa kakarampot nilang hanapbuhay at hindi nanggugulo sa gobyerno bagkus ay tumutulong pa para makabangon ang ekonomiya ng bansa. Kung may natitira pa sanang konsensiya ang mga ito, hihintayin nilang makabangon muna ang administrasyon ni Digong bago sila maningil. Teka nga, may nagawa na ba kayong mabuti para sa bansa o nagbabayad kayo ng buwis kaya naniningil kayo? Nagtatanong lang po!

ALFREDO BENITEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with