Albayalde-Cascolan team, epektib vs tiwaling pulis!
TAPOS na ang katiwalian ng mga pulis sa Metro Manila matapos magtatag si National Capital Region Police Office (NCRPO) Dir. Camilo Pancratius Cascolan, ng “STRIKE” teams. Nais ni Cascolan na paigtingin pa ang sinimulang kampanya ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na internal cleansing at ang “STRIKE” teams ang gagamitin niya para isulong ito tungo sa ikagaganda ng imahe ng PNP. Get’s n’yo mga kosa? Kung sabagay, ang “STRIKE” teams ang magmamanman ng araw-araw na performance ng mga pulis at nagbabala si Cascolan na hindi siya mangingiming parusahan ang sinumang maebidensiyahang nagkasala tulad ng extortion, kidnapping, at iba pang kriminalidad, at lalo na sa aspeto ng illegal drugs. Nasa tamang landas dito si Cascolan di ba mga kosa? Kaya mag-isip na ang mga pulis sa MM bago gumawa ng katarantaduhan dahil masasayang lang ang malaki nilang suweldo na dapat ay ang pamilya nila ang makinabang. Subalit hindi dapat malungkot ang mga pulis sa NCRPO dahil kung mabilis magparusa si Cascolan, superbilis din siyang mag-reward sa nagtatrabaho. Hak hak hak! May grasya rin palang dala ang “STRIKE” teams ni Cascolan.
Ang “STRIKE” teams ni Cascolan ay pamumunuan ni Sr. Supt. Benjamin Acorda Jr., hepe ng intelligence ng NCRPO. Ang mga miyembro nito ay ang taga-Regional Intelligence Division (RID), Regional Operations Division (ROD), Regional Personnel Records and Management Division (RPRMD), at ang representante ng crime laboratory. Ang team ni Acorda mga kosa ay maglilibot sa limang police districts, 38 police stations at mga presinto sa Metro Manila. Siyempre, surprise inspections ang gagawin ni Acorda para hindi makaiwas ang mga tiwaling pulis, di ba mga kosa? Ayon kay Cascolan, ang trabaho ng “STRIKE” team niya ay ang pag-monitor, evaluate, at validate ng deployment ng mga pulis at kung paano sila ginamit. Hindi lang ‘yan! Owtorisado rin ang team ni Acorda na magsagawa ng random drug testing sa oras ng kanilang inspection para walang ligtas talaga ang mga tiwaling pulis. Hehehe! Isama na sana ni Cascolan sa drug test ang mga miyembro ng anti-drug units at tiyak marami ang malalagas sa mga pulis niya, di ba mga kosa? Teka nga pala! Dapat din sigurong silipin ni Acorda ang mga pulis na nagrereport lang tuwing 15th at 30th para sumuweldo. Boom Panes! Hak hak hak! Mukhang seryoso sina Albayalde at Cascolan na linisin ang PNP sa mga tiwali. Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Kung sabagay, tinitiyak ko rin na kokonti na lang ang natitirang tiwaling pulis dahil sa internal cleansing na programa ni Albayalde. Wala kasing sinisino ang kampanya ni Albayalde kaya napupuna n’yo mga kosa na kokonti na lang ang kaso sa ngayon na sangkot ang mga pulis. Sa totoo lang, nagrereklamo na ang mga kasamahan ko sa hanapbuhay dahil wala ng masyadong maisulat sa mga kolum nila at mukhang tumatalima na ang mga pulis sa mga kautusan nina Albayalde at Cascolan. Sana puro trabaho na lang ang aatupagin ng mga pulis para bumango ang imahe nila. Get’s n’yo mga kosa? Kung sabagay, nagbunga na ang pinaghirapan ni Cascolan dahil bumaba ng 29.29 percent ang crime rate sa Metro Manila mula nang maupo siyang NCRPO chief noong Abril. Ang tinatawag na 8 focused crimes tulad ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, car theft, at motorcycle theft ay bumaba dahil sa kasipagan ng mga pulis. Siyempre, may konting semplang din ang ating PNP subalit mabilis itong natutugunan nina Albayalde at Cascolan, di ba mga kosa? Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Napupuna rin ng mga kosa ko na mula nang maupo sina Albayalde at Cascolan, humihina na rin ang sigaw kontra extra-judicial killings (EJK). Sa anong dahilan kaya mga kosa? Abangan!
- Latest