^

Punto Mo

5% withholding tax lambing ng mga titser ibinasura ng BIR

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

GUSTONG iparating kay Boss Digong at sa BIR ng mga titser na kung maari ay huwag nang patawan ng 5% withholding taxes ang honorarium at travel allowance nila sa gagawin nilang trabaho sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Lunes (May 14).

Sabi nga, please lang!

Nananawagan din si Davao City Rep. Carlo Nograles, chairman ng Appropriation Committee sa Kamara na pagbigyan ang lambing ng mga titser.

Siguro nga dapat itong pagbigyan ng gobierno barya lang ito kung tutuusin sa dami ng salaping ipinamamahagi nila.
Hindi biro at mapanganib ang susuungin ng ilang titser sa Barangay at SK elections sa Monday, lalo na iyong mga itatalaga sa mga ‘hot spots’ area para sa kanilang poll duties kaya sana huwag na silang kaltasan nang 5% withholding taxes.

Ika nga, malaking bagay ito sa mga guro!

Totoo iyon. Sabi nga, pagbigyan na lang! Ikinuento nila na dehins na sila hihirit na taasan pa ng gobierno ang kanilang honorarium at allowances basta huwag na silang patawan ng multa este mali withholding taxes pala. Inaasahan ng mga titser na ‘on duty’ na buo nilang matatanggap ang kanilang sahod kaya huwag na sana itong kaltasan. Ano sa palagay ninyo? Ang DepEd, ay nananawagan din na pagbigyan ang hiling ng mga titser dahil hindi biro ang kanilang magiging trabaho sa Lunes. Batay sa Republic Act 10756 o ‘Election Service Reform Act,’ ito ang sasahurin ng chairperon ng Electoral Board P6,000, ang mga members nito ay P5,000 each.
Ang mga DepEd Supervisor  Official,  ay may sahod na P4,000 habang ang mga support staff ay P2,000.

May travel allowance silang lahat na P1,000 each.

Ang problema nga lang may BIR ruling No.003-06, na ang lahat ng honoraria at travel allowances para sa mga poll workers ay tatapyasan ng 5% withholding taxes.

‘Iyon lang!’

Sabi ng BIR, hindi na puedeng payagan ang pagla-lambing ng mga titser sa pinaguusapan natin sa itaas dahil ibinasura na nila ito yesterday kasi nga raw may batas tungkol dito at dapat muna amyendahan ang Law sa Kongreso para sa kanilang kahilingan.

Ika nga, wala silang magagawa!

Tapyas ang 5% withholding taxes. 

Abangan.

• • • • • •

Patricia Mae Aquino

Binabati ng mga kapamilya, kaibigan, mga kapitbahay, kakilala at boyfriend si ‘Pat’ porke 21st birthday niya today.

Sa Monday na lang magpapa-tsibog si Pat dyan sa kanyang work sa Manila Life Cafe, sa NAIA Terminal 3.

Sabi nga, skies the limit ang tsibugan.

Abangan.

• • • • • •

Barangay at SK vs droga

Talk of the community ngayon ang nalalapit na barangay at SK election sa Monday,  kaya naman sa mga talumpati nang karamihan sa mga candidates ang mga pangunahin sinasabi at  maririnig sa kanila ay ang ‘labanan ang droga.’

Sabi nga, Boss Digong style, ang galit kami sa droga!

Pumutok sa mga barangay ang isyu sa droga ng maglabas ng narco-list ang gobierno na marami sa mga kagawad at maging mga barangay captains ay nasa hit list este mali listahan pala ang kanilang mga pangalan.

Sinasabi na ang 50% sa narco-list ay muling kakandidato sa pagka-barangay at kagawad.

‘Ano ba, iboboto pa ba ninyo sila ?’

Kaya naman naging trend ito ngayon sa mga kandidato sa mga barangay ang ‘labanan ang droga.’

‘Patayin sila este mali pasukuin pala.’ Hehehe!

Dahil sa isyung ‘droga’ may ilang lugar na ang mga kandidato mismo ay nagpapa-drug test para ipaalam hindi na hindi sila tumitira at wala silang basura sa katawan.

Abangan.

WITHHOLDING TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with