^

Punto Mo

EDITORYAL - Hamon sa PNP ang mga krimen

Pang-masa
EDITORYAL - Hamon sa PNP ang mga krimen

SUNUD-SUNOD ang mga pagpatay at naghahatid ito ng pangamba sa mamamayan. Hindi lamang sa Metro Manila nagaganap ang pagpaslang kundi maging sa mga probinsiya man. Karaniwang riding-in-tandem ang nagsasagawa ng pagpatay. Nakapagtataka lang kung saan nanggagaling ang mga baril na ginagamit sa pagpatay. Halos lahat ng mga nangyaring krimen ay isinagawa sa pamamagitan ng baril.

Nakapanlulumo ang pagpatay kay Father Mark Anthony Ventura sa Gattaran, Cagayan noong Linggo. Katatapos lamang magmisa ni Father Ventura. Ayon sa mga nakasaksi, isang lalaki ang lumapit sa pari at pinaputukan ito sa ulo at dibdib. Tumakas ang lalaki at sumakay sa naghihintay na motorsiklo. Ayon sa parishioners, mabait ang pari at wala silang alam na kaaway nito. Nag-offer ang pamilya ng pari ng reward money para sa ikadarakip ng gunman. Blanko pa ang pulisya sa krimen.

Binaril din at napatay ang radio broadcaster na si Edmund Sestoso noong Lunes habang palabas sa tinutuluyang boarding house sa Dumaguete City. Si Sestoso ay dating chairperson ng National Union of Journalists in the Philippines. Blanko rin ang pulisya sa pagpatay kay Sestoso.

Sabi ng pamahalaan, ginagawa na nila ang paraan para maisilbi ang katarungan pagpatay kay Ventura at Sestoso. Nagsasagawa na umano ng imbestigasyon sa mga pagpatay. Kinukondena umano ng pamahalaan ang patayang naganap.

Pawiin ang pangamba ng mamamayan sa kabi-kabilang patayan. Lutasin sa madaling panahon ang mga pagpatay na ito. Malaking hamon kay PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang mga pagpatay na isinasagawa ng riding-in-tandem at ang pagkalat ng mga baril. Gumawa ng agarang aksiyon dito. Ipatupad ang pagsamsam sa mga baril na matagal nang pinag-uugatan nang madudugong krimen.

Nagpakita na ng tapang si Albayalde at umaasa ang taumbayan na magiging mabagsik din siya sa mga gumagawa ng krimen. Protektahan ang mamamayan na tungkulin ng PNP.

FATHER MARK ANTHONY VENTURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with