Dahil sa Durian daan-daang guro’t estudyante inilikas mula sa isang unibersidad sa Australia
DAAN-DAANG mga guro at estudyante ang inilikas mula sa isang unibersidad sa Melbourne, Australia matapos kumalat ang isang amoy na noong una’y inakalang sanhi ng gas leak.
Dahil sa takot na maa-ring pagsimulan ito ng isang pagsabog, nasa 500 katao ang lumikas mula sa library ng Royal Melbourne Institute of Technology (RMIT), kung saan pinaniniwalaang nanggaling ang masangsang na amoy.
Wala naman palang dapat ipangamba ang mga tao sa nasabing unibersidad dahil nang halughugin ng mga bumbero ang library ng eskuwelahan ay nadiskubre nilang nanggagaling lamang pala ang amoy sa nabubulok na durian na naiwan sa isang aparador.
Kumalat ang amoy nang pumasok ito sa air-conditio-ning system, kaya nasinghot lahat ng nasa gusali ang nakakasulasok na amoy ng durian.
Madalas ihalintulad sa amoy ng nabubulok na karne ang amoy ng durian dahilan upang ipagbawal ito sa ilang lugar sa Asya katulad ng Singapore kung saan hindi maa-ring magbitbit ng durian sa mga pampublikong tren.
Nagbukas na muli ang library ng RMIT at humingi ng paumanhin ang mga kinatawan ng unibersidad sa abalang na-ging dulot ng bulok na durian.
- Latest