^

Punto Mo

Bagong gimik ni Tim?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MUKHANG may bagong ‘drawing’ si Usec Tim Orbos, tungkol sa mga colorum na public utility vehicles, UV express at mga buses na pumapasok sa mga malls at nagbabayad ng terminal fees.

Naisip kasi ni Tim na pag-multo-han este mali pag-multahin pala ang mga colorum na pumapasok sa malls na naka-terminal dito?

Hindi birong penalties sa mga mall ang gustong mangyari ni Orbos dahil P1 million each para sa mga colorum bus at P50,000 sa colorum jeepneys.

Ano ba ito?

Siguro kailangan magkaroon ng mga taga - LTO at LTFRB sa mga terminal ng malls dahil sila ang nakaka-alam kung colorum ang sasakyan na naka-terminal dito na nagsasakay ng mga pasahero.

Dahil kung sa mga security guards sa mga malls i-aasa para malaman kung sino ang colorum o hindi tiyak mahihirapan ang mga ito.

Bakit?

Hindi naman nila napag-aralan ang pagtingin sa mga genuine o pekeng documents ng mga sasakyan?

Ang trabaho nila ay magbantay at mag-trapik sa loob ng kanilang mall.

Ano say mo, Tim?

Kung talagang target ni Tim hulihin ang mga colorum bakit hindi sila ang pumasyal sa area nang mga ito ng palihim para hindi mabulabog at maraming mahuli?

Ika nga, alam naman nila kung nasaan ang mga colorum?

Imposibleng wala silang alam sa paradahan ng colorum?

Siguro balak umanong kumandidato ni Tim kaya nagpapa-pogi? Hehehe!

Abangan.

* * *

PNP at Army, magbantay mabuti

LIAMADO pa rin pala ang probinsiya ng Masbate dahil ito pa rin ang kinokonsidera ng PNP bilang hotspot para sa May 14 barangay at SK election dyan sa parteng southern tagalog.

Mukhang bubuhusan ng PNP ng sangkaterbang foolish este mali cops pala ang probinsiya ng Masbate para mapigilan ang mga kaguluhan maaring mangyari doon.

May mga humihiling na magdagdag ng mga sundalo rin sa probinsiya para masigurong walang pang-aabuso o gulong mangyayari during eleksyon.

 

Ngayon pa lang maraming ng barilan blues ang nangyayari sa Bicol region simula pa noong Enero hanggang last month.

Bakit kaya ?

Sagot - maraming mga matatapang at mga sangganong naglitawan mula sa hukay. Hehehe !

Nangunguna sa dami ng incidents ang Masbate, Camarines Sur, Albay , Camarines Norte at Sorsogon.

 

Ang mga barilan nangyayari sa Masbate ay gawa diumano ng mga komunista o ang malalang awayan sa politika ?

Naku ha !

Ano ba ito ? Take note, CPNP Oscar Albayalde, Sir !

Nagmumuni-muni pa ang mga alagad ng batas kung isasailalim nila sa Comelec control ang ilang lugar sa Camarines Sur, matapos makatanggap ng impormasyon na dumarami ang mga nagbi-birthday este mali rebelde pala sa mga lugar ng Tinambac, Bato, Lagonoy, Libmanan, Ragay at Pasacao kaya naman nagkaka-upakan ang dalawang panig dito.

Tungkol naman sa istorya sa politika may mga napatay na mga politiko na inupakan ng mga hindi pa kilalang mga suspects.

Ilang lamang ito sa mga dahilan na kailangan mabantayan mabuti ang probinsiya dahil na rin sa mga banta ng seguridad ngayon lalo’t nalalapit ang Barangay at SK election sa Mayo.

Ito lang kaya ang probinsiya na hotspot sa election ?

Abangan.

 

TIM ORBOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with