^

Punto Mo

13 bahay na type akyatin ng magnanakaw

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Nasa kanto ang magandang bahay mo kaya kapansin-pansin.

Maganda ang kotseng nakaparada sa iyong garahe.

Maganda ang bahay at walang kapitbahay.

May makapal at matataas ang halaman sa harapan ng bahay. May pagkukublihan ang magnanakaw kaya madali siyang makakapasok.

Walang alagang aso.

Sa gabi lang nagkakaroon ng tao sa bahay. Ayon sa isang pag-aaral, mas maraming umaakyat sa bahay kung araw dahil ang mga tao ay nasa trabaho at nasa school.

Ang bahay mo ay nasa high-traffic area at daanan ng pedestrian.

Nag-iisa o dadalawa lang kayong nakatira sa bahay. Mas kakaunti ang nakatira, mas kinukursunadang akyatin.

Maganda ang iyong fence at garden. Red flag iyan sa magnanakaw na may pera ka.

Mataas masyado ang iyong bakod. Mataas kasi mara-ming valuables na itinatago.

Ang mga tao sa neighborhood ay hindi magkakakilala. Kasi kung magkakakilala ang magkakapitbahay, mabilis makita ang mga bagong mukha na may kahina-hinala ang kilos na umaaligid sa isang bahay.

Walang ilaw sa paligid ng bahay.

Ang bahay mo ay nasa subdivision na katabi ng high-crime area. Kahit hindi gaanong mayaman, siyempre kayo lang ang maayos-ayos ang buhay, kaya kayo ang tatargetin ng mga kriminal.

PEDESTRIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with