^

Punto Mo

Ininsulto ng multo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SI Susie ay 67 years old  na on call maid sa probinsiya. Palibhasa ay naiiba, marami ang nagpapaserbisyo sa kanya. Ang bayad sa kanya per day ay depende sa ipapagawa mo sa kanya: Mas mahal ang bayad per day sa linis-bahay kaysa pagpapalaba. Minsan ay may nagpalinis ng bahay sa kanya. Ang nagpaserbisyo sa kanya ay hindi niya kilala ng personal. Inirekomenda lang ito ng kanyang kakilala.

Habang siya ay naglilinis, nagpaalam sandali ang may-ari ng bahay na mamamalengke lang ito. Tahimik siyang nag-aaplay ng floor wax sa sahig nang biglang may matandang babae na lumabas mula sa isang kuwarto.

“Sino ka?” tanong ng matanda “Magandang umaga ho. Kinuha po akong tagalinis  ni Mam Cynthia.”

“A, akala ko ay magnanakaw ka”

Napaismid si Susie. Tagal na tagal na siya sa hanapbuhay na iyon pero walang nag-akala sa kanya na siya ay magnanakaw. Sinagot niya ang matanda.

“Saan naman ho kayo nakakita ng magnanakaw na nag-aaplay ng floorwax bago magnakaw.”

“Aba, malay ko kung ganoon nga ang istilo mo”

Lintek at pilosopo pa. Hindi na siya sumagot. Mahirap lumaban sa matandang pilosopo at mapangmata sa kapwa. Paglingon niya ay wala na ang matanda. Nasa isip niya ay pumasok ulit ito sa kuwarto. Maya-maya ay dumating si Mam Cynthia. Pinagmiryenda muna siya ng palabok na binili sa palengke. Habang kumakain sila ay naitanong niya kay Mam Cynthia: “Mam sino ang matandang babae na nanggaling sa gitnang kuwarto?”

“ Matanda? Tayo lang ang tao dito. Ang dalawa kong anak ay nasa school. Ang mister ko naman ay nasa trabaho. Anong hitsura ng matanda?”

“Mestisa, may nunal sa gitna ng noo.”

“Si mama iyon. Pero noong isang taon pa siya namatay”.

Binilisan ni Susie ang paglilinis at nakiusap kay  Mam 

Cynthia na huwag siyang iwanan mag-isa. Hindi na siya bumalik sa bahay na iyon kailanman kahit doblehin ang bayad sa kanya. Matatanggap niyang insultuhin ng buhay dahil makakalaban siya ng sagutan, pero sa multo, nakakatakot sumagot-sagot. Baka sundan siya hanggang sa kanyang bahay.

           

MULTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with