^

Punto Mo

‘Marijuana legal na’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

GAMOT sa kanser, epilepsy at ilan pang ang sakit ang marijuana. Ito ang isinusulong ng ilang grupo para maging legal ang Marijuana sa bansa bilang gamot.

Nakapasa na sa Kamara ang panukala na maging legal ang paggamit sa Marijuana bilang gamot. Ang Philippine Compassionate Medical Cannabis Bill ay iniakda mo Isabela Rep. Rodolfo Albano III na nasa third reading na ngayon.

Nakasaad sa panukalang ito na itatayo ang Medical Cannabis Centers sa ilalim ng Department of Health (DOH). Ang mga pasyente na kailangan bumili o pinapayagang bumili nito kasama ng ilang medical practitioner ay bibigyan ng identification card.

Magandang bagay ito para rin hindi maging bukas sa lahat ang paggamit ng marijuana at may patunay silang maipapakita na kailangan nila ito para sa kanilang sakit.

Sana nga lamang ay walang ibang tao na gamitin ang mga may sakit o ilang kwalipikadong medical practitioner para lang makabili at makagamit ng marijuana kahit hindi naman para sa medical na dahilan.

Magkakaroon din ng Medical Cannabis Research and Center and Safety Compliance para mas mapag-aralan ang maaaring magandang epekto ng marijuana sa mga may sakit at matulungan ang mga ito.

Ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang magbabantay sa pagbebenta at paggamit nito.

Ang ilang epekto ng marijuana ay makakatulong ito sa iyo para makapag-relax ka at katamtamang euphoria o yung pakiramdam na ‘high’ ka.

May masama rin itong epekto tulad ng pagkalimot sa ilang bagay, nanunuyo ang bibig, humihina ang kakayahan sa paggalaw at namumula ang mga mata.

Tumataas din ang tibok ng puso ng sinumang gumagamit nito, mas gumagana sa pagkain at bumababa ang presyon ng dugo.

Kabilang din sa mga epekto ang tumaas na tibok ng puso, tumaas na gana sa pagkain, bumabang presyon ng dugo.

Ang nakakapangamba lang na baka pag nagtuluy-tuloy at napasa ‘to ay magbukas ng isang Pandora’s Box na hindi makokontrol at marijuana naman ang lalaganap.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with