‘Duterte: Bakla ka ba Gascon?’
MATAPOS na matanggalan ng budget sa susunod na taon ang Commission on Human Rights (CHR) ay pinuna naman ni Presidente Rodrigo Duterte si CHR Chair Chito Gascon kung bakit masyado itong nakatutok sa mga kaso ng mga teenager na napapatay.
“Itong si Gascon, ilang araw ng puro teenager, teenager, teenager, para bang pedophile. Bakla ka or pedophile ka? Iyan lang nakatutok ka,” pahayag ni Presidente Duterte.
Naihambing niya sa isang pedophile si Gascon dahil sa ang mga biktimang tinututukan lamang daw ng CHR ay ang tungkol sa mga kabataang lalaki at hindi na napapansin ang iba pang human rights violations.
Inakusahan din ng Presidente si Gascon na tao ng kanyang mga kalaban sa politika na gustong maalis siya sa kanyang posisyon.
Agad naman itinanggi ni Gascon ang paratang ng Presidente at marami rin ang nagtanggol sa kanya at sinabing hindi maaaring ihambing si Gascon sa isang pedophile.
Ang pagkakapatay daw sa mga kabataang ito ay ang ginagamit ng kanyang mga kalaban sa politika para sirain siya.
Nitong nakaraan lang ay tumataginting na isang libong piso lang ang nakalaan na budget sa CHR sa susunod na taon dahil hindi naman daw nito nagagawa ng mahusay ang kanilang trabaho.
May mga nagtanong kung saan mapupunta ang mahigit Php600 milyong piso para sa pagbili ng mga body cameras ng mga pulis.
Marami nang paratang sa ating kapulisan na nilalabag nila ang karapatang pantao ng mga nahuhuli sa kampanya laban sa iligal na droga kaya dito naisip ng Presidente na ilaan ang budget na dapat ay nakalaan sa CHR.
Pinapayagan niyang lagyan ng body camera ang mga pulis kapag magsasagawa ng operasyon para hindi na magkaroon ng pagdududa ang ilang ahensya, grupo at mga tao sa mga mapapatay nila na mga umano’y nanlaban.
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.
Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.
- Latest
- Trending