^

Punto Mo

Pag-aralan nang husto

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

AYON kay Magdalo Rep. Gary Alejano, kaduda-duda ang pagtitipon ng ilang barko ng China malapit sa Pag-asa, isang isla na hawak ng Pilipinas. Ayon sa kanyang nakuhang impormasyon, may higit limang malalaking barko sa lugar, kabilang ang barko ng Chinese coast guard, malaking barkong pangisda at dalawang barkong pandigma. Mga limang kilometro lang daw ang layo nila sa Pag-asa. Banta raw ito sa seguridad ng Pag-asa, na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas. Ano kaya ang ginagawa ng mga barko roon?

Walang pahayag mula sa Palasyo o anumang ahensiya ng gobyerno tungkol sa impormasyong ito. Kung may mga eroplano na ang bansa mula US at Japan na may kakayanang lumipad sa lugar para kumpirmahin ang impormasyon ni Alejano, bakit hindi gawin para malaman ang katotohanan? O may banta ba mula China sa anumang eroplano na lumipad sa rehiyon? Ayon kay Alejano, patuloy ang pagtaboy umano ng China sa mga barko ng Pilipinas, patunay na iba ang sinasabi ng China sa media sa kanilang aktwal na ginagawa. Nangako raw ang China na wala daw sasakupin na bagong teritoryo sa karagatan. Kaya dapat lang ipadala ang mga bagong eroplano na iyan para kumpirmahin. O ayaw ba ng gobyerno na makita ang sinasabi ni Alejano, dahil ayaw ding galitin ang China kung maglabas ng protesta sa nasabing pagtitipon sa karagatan? Baka alam na rin ng gobyerno pero ayaw lang umimik.

Nagsimula na ang mga diskusyon hinggil sa “joint oil and exploration” ng Pilipinas at China sa karagatan. Hindi pa inilalabas ang mga detalye ng anumang kasunduan. Marami pa rin ang tutol dito, dahil labag umano sa Konstitusyon. Sabihin na rin natin na marami ang hindi pa lubos ang tiwala sa China. Pero kung ang katayuan ng administrasyong ito ang masusunod, baka wala nang dapat pag-usapan pa at matutuloy ang pagsuri ng karagatan para sa yaman nito. Hindi ko lang alam kung paano magaganap ito, kung ang dalawang bansa ay parehong inaangkin ang mga teritoryo sa karagatan. Kung pumayag ang China sa anumang kundisyon ng Pilipinas sa nasabing pagsuri, para na rin nilang sinabi na ang Pilipinas nga ang may nararapat na karapatan sa karagatan, na sa tingin ko ay hindi mangyayari. Sa tingin ko rin ay hindi papayag ang China na mas malaki ang kikitain ng Pilipinas kaysa sa kanila, kung sakaling matuloy ang pagsuri at paghango ng mga yaman ng karagatan. Dapat pag-aralan nang husto ang anumang kasunduan na maging bunga ng pag-uusap ng dalawang bansa.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with