Lindol noong Biyernes, drill na
MASASABING aktuwal na drill ang nangyaring lindol na may lakas 6.3 magnitude na ang sentro ay sa Batangas at nakaapekto rin sa ilang lugar sa Metro Manila.
Aktuwal na drill na rin ang nangyari noong Biyernes dahil inaasahan natin na lalo pang magseseryoso ang lahat upang makilahok sa mga Earthquake drill.
Nakita natin ang mabilis na pag likas ng mga tao sa gusali lalo na sa Maynila at hindi naman nakitaan ng pag-panic ang publiko.
Marahil ay hindi ganun kasi kalakas talaga ang lindol at walang malaking pinsala.
Pero nakita natin na may ilang naka helmet at nakatakip ang ulo ng lumabas sa gusali na tanda ng kaalaman sa mga naunang imprmasyon na ibinigay mg gobyerno sa publiko kaugnay mg earthquake drill.
Sana naman ay mas maging handa pa ang mga ahensiya ng gobyerno sa pagresponde sakaling dumating na ang kinatatakutang The Big One” na inaasahang tatamaan ang Metro Manila.
Kahit hindi mag-panic ang publiko kung hindi mabilis at maayos ang responde ng gobyerno ay baka mauwi rin sa walang kaayusan.
Sana ay hindi ipagwalambahala ng mga may ari ng gusali ang nangyaring lindol at tiyakin na matibay ang kanilang gusali upang mas makaiwas sa maraming buhay na posibleng mapahamak.
Lahat tayo ay patuloy na manalangin na huwag mg maganap ang kinatatakutang lindol lalo na dito sa Metro Manila upang makaiwas na rin sa anumang kapahamakan.
- Latest