Sa panahon ng taghirap
MARAMI naman ang nanligaw sa kanya pero wala talaga siyang magustuhan. Kapag may binatang nagpaalam sa kanyang magulang na aakyat ng ligaw sa kanya, siya ay biglang uuwi sa bahay ng kanyang lolo at para doon matulog. Paraan iyon para maiwasan ang mga manliligaw.
Late bloomer siya ng mag-out sa tunay niyang pagkatao. Mahigit na trenta anyos—nang ipagsigawan niya sa buong mundo na Yes! Tomboy Ako! Ilang babae ang naging karelasyon niya at ka-live-in ngunit walang tumatagal at naghihiwalay din sila.
Simula ng makipagrelasyon ay nagbago na ang ugali nito sa pamilya. Ang dating mapagbigay ay naging maramot na. Paano, ang lahat ng pera ay inilalaan niya sa mga “babae” niya. Nagmumura siya kapag mga kapatid ang humihingi sa kanya ng pera pero buong puso niyang pinag-aaral sa kolehiyo ang kapatid ng kanyang karelasyon. Pasikat siya kapag ang nanghihingi ay karelasyon at pamilya nito. Ang pagiging maramot niya sa kanyang pamilya ang naging dahilan para layuan siya ng mga ito.
Otsenta anyos na siya ngayon. Walang karelasyon. Walang pera. Ang meron lang sa kanya ay sakit. May ilang taong nagmalasakit sa kanya at naihanap siya ng doktor na puwedeng gumamot sa kanya nang libre. Ngunit tumanggi siya. Hindi na lang siya magpapaopera. May kaselanan kasi ang isasagawang operasyon. Kailangan niya ang isang taong mag-aalaga sa kanya. Iyong 24 oras na nakabantay sa kanya. Maraming available na ganoong caregiver pero may bayad. Saan kamay ng Diyos siya kukuha ng pambayad?
Huli na ang pagsisisi. Sana naging mabait siya sa pamilya noong kabataan niya na mayaman siya. Para kahit wala siyang anak at asawa, marami pa rin tao ang magmamalasakit sa kanya sa panahon ng tag-hirap.
- Latest