^

Punto Mo

‘Tandaaan n’yo, bawal mang-hostage ng pasyente’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MALINAW pa sa sikat ng araw na sa Pilipinas, bawal ang pangho-hostage ng pasyente sa mga pampubliko o pribadong ospital man. Para sa mga hindi nakakaalam, may batas tayo diyan.

Ito ‘yung Republic Act No. 9439 o ang pagbabawal sa mga ospital at  medical clinic na ikulong o pigilang lumabas ang mga pasyenteng hindi makabayad ng buo sa kanilang hospital bills o medical expenses man, buhay man o patay.

Naging mainit ang isyung ito noon dahil sa taas ng statistika ng mga pasyenteng ginipit at hinostage sa loob ng iba’t ibang pagamutan, lalo na ‘yung mga pribadong ospital.

Naging puntahan din noon ang tanggapan ng BITAG sa mga ganitong reklamo at halos araw-araw, ang mga ganitong kuwento ay hindi nauubos.

Sampung taon na ang nakararaan nang aprubahan ang batas pero may mangilan-ngilan pa ring lumalabag at nakikipagmatigasan sa pangil ng Republic Act No. 9439.  Ang siste, sa  BITAG nagsumbong kaya nakastigo nang matindi at agad sumunod. 

Nitong nakaraang Biyernes, isang lying-in clinic sa Tandang Sora Quezon City ang inireklamo sa amin.

Ang pasyente, binayaran ang kalahati ng bill at iniwan ang kanyang smart phone at promisory note bilang kolateral ng kulang.

 Makikita, nais talagang magbayad ng pasyente subalit kapos ang kanyang pera, walang anumang bahid na tatakbuhan ang bayarin. Subalit ang masaklap,  hindi pa rin pinayagang lumabas ng klinika ang mag-ina. 

Live sa Kilos Pronto, nagmatigas ang pamunuan ng inirereklamong lying-in clinic at galit pa itong nagpapaliwanag sa amin. Kahit sino pa raw ang magreklamo, wala silang pakialam.

Hoy kenkoy! Makikipagtulungan lang ang BITAG sa Department of Health at Business Permit Office ng Quezon City siguradong sarado-negosyo kayo kinabukasan din.

Dalawa lang naman ang tinanong ko at ramdam kong natinag ang bungangera, negosyong bukas o negosyong sarado?

Madali lang naman akong kausap, diretsong sagot lang ang hiningi ko. Eh gusto ng negosyong bukas. Sa madaling salita, ora mismo pinalabas ang mag-inang pasyente.

Nasayang lang ang kanyang kiyaw-kiyaw, tapang-tapangan pa ang bruha na “walang tulfo-tulfo” takot din naman palang mapasara ang kanyang lying-in.

Oh `wag n’yo nang ulitin ha, hindi ko na kayo pinangalanan at sumunod naman kayo agad kahit sa umpisa umaapila pa, sa huli ay lumambot din.

May reklamo kayong ganito? Lapit agad sa amin. Ang aking tanggapan ay nasa Richwell Center, Timog Avenue, Quezon City.

PASYENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with