^

Punto Mo

Mahalaga ang kulay ng pagkain

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

ALAM ba ninyo na depende sa kulay ng gulay at prutas ay may iba’t ibang benepisyo ito para sa katawan? Totoo po iyan. May limang kategorya ang kulay ng prutas at gulay: (1) pula, (2) orange at dilaw, (3) berde, (4) asul at kulay ube at (5) puti. Alamin natin ito.

Ang mapupulang prutas at gulay ay kadalasang mabuti sa puso, utak at prostate gland. Ang mga pagkaing ito ay mayaman sa lycopene, ellagic acid, quercetin, at hesperidin. Ang mga nabanggit na sangkap ay maaaring magpababa ng cholesterol, blood pressure at tsansang magkaroon ng kanser, tulad ng prostate cancer. Heto ang ilang halimbawa: pulang mansanas, strawberries, mansanas, kamatis at pakwan.

Ang mga prutas at gulay na orange (kahel) at dilaw ang kulay ay kadalasang mabuti sa ating mata, balat, baga at immune system. Ang mga pagkaing ito ay may taglay na beta-carotene (vitamin A), lycopene, flavonoids, potassium, at vitamin C. Makatutulong ang mga sangkap na ito para maiwasan ang sakit sa mata (age-related macular degeneration), mapababa ang bad cholesterol at maiwasan ang kanser. Heto ang ilang halimbawa: karots, kamote, orange, dalandan, pinya at papaya.

Ang mga berdeng gulay at prutas ay kadalasang mainam sa ating tiyan, bituka at makatutulong sa pag-iwas sa kanser, tulad ng colon cancer. Ang mga berdeng gulay ay nagpapababa ng cholesterol at timbang. Ang gulay tulad ng repolyo, pechay, kangkong, broccoli, spinach at malunggay ay sagana sa bitamina at minerals.

Ang mga prutas at gulay na kulay ube (purple) at asul (blue) ay mainam sa puso, tiyan at nagpapalakas din ng katawan. Ang mga pagkaing ito ay may sangkap na “anthocyanins” at iba pang anti-oxidants tulad ng resveratrol, vitamin C, flavonoids at quercetin. Dahil dito, masustansya ang mga pagkaing may ganitong kulay tulad ng asul na ubas, talong at ube.

Ang mapuputing prutas at gulay ay may sangkap na “anthoxanthins.” Kadalasan, ang mga pagkaing ito ay mabuti sa ating kidneys, muscles at nerves. Kasama rito ang saging, bawang, patatas, sibuyas at mushrooms.

Kaya tandaan: Piliin ang mga makukulay na pagkain para sa iyong kalusugan.

VITAMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with