^

Punto Mo

Pagtiris ng tagihawat, maaaring makamatay!

Pang-masa

MARAMI ang hindi nakakaalam na ang simpleng pagpisa o pagtiris ng pimples sa mukha lalo na sa bandang ilong ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng isang tao. Bihira lang ito mangyari pero posible pa rin.

Ang artikulo ko ngayon ay base sa research ni Ourlad Tantengco at mga dalubhasang dermatologists.

Madalas na nakakaranas ng paglabas ng pimples ang mga teenager at kadalasang pinoproblema kung paano ito mawawala. Isang masamang kaugalian ang pagtiris ng mga pimples lalo na kung mayroon na itong nana. Ayon sa dermatologists, dapat itong iwasan lalo na kung marumi ang iyong mga kamay kapag hinawakan ito.

Hindi lang mag-iiwan ng peklat ang mga pinipisang mga pimples, maaari rin itong pagmulan ng impeksyon na maaaring kumalat sa iyong dugo papunta sa utak. Dahil ang ilong ay nasa “danger triangle”, posibleng makapunta ang mikrobyo sa iyong utak at magdulot ng impeksyon doon.

Kapag marumi ang iyong kamay at pinisa ang pimples, maaaring pumasok ang mikrobyo mula sa iyong kamay at dahil ang ugat sa mukha ay dumidiretso sa utak, maaaring magdulot ng impeksyon sa utak.

Kapag hindi ito naagapan, maaaring makaranas ng pamamanhid ng katawan, pagkawala ng paningin at pagkamatay.

Kadalasang makakaranas ng sobrang sakit ng ulo, mataas na lagnat, pamamanhid ng mukha at labis na pagkapagod. Kapag nakaranas ng mga ito matapos putukin ang pimples sa mukha lalo na sa bandang ilong at itaas na labi, kumunsulta agad sa doktor. Muli, alalahanin na huwag putukin ang mga pimples at hayaan itong gumaling. MD ni Dr. Willie T. Ong

MAKAMATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with