^

Punto Mo

Lalaki, tinawid ang Atlantic Ocean sa pamamagitan ng pagsasagwan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki mula South Africa ang nagawang tawirin ang Atlantic Ocean nang nag-iisa at sa pamamagitan lamang ng pagsasagwan.

Sinimulan ng 42 anyos na si Chris Bertish ang kanyang paglalakbay sa Agadir, Morocco kung saan niya sinimulan ang pagsasagwan ng higit 6,500 na kilometro upang makara-ting sa isla ng Antigua na nasa kabilang panig ng Karagatang Atlantiko.

Nito lamang Biyernes nakumpleto ni Bertish ang kanyang 93 araw na paglalakbay at ayon sa kanya ay ito ang pinakakatakot na bagay na kanyang ginawa sa buong buhay niya.

Sinagupa kasi niya ang malalaking alon at ang mga pa-ting sa karagatan na kanyang hinarap habang sakay lang ng kanyang maliit na bangka.

Kalaban din niya ang dilim dahil kadalasan ay sa gabi lang siya nagsasagwan upang makaiwas sa matinding sikat ng araw.

Hindi si Bertish ang kauna-unahang nakatawid ng Atlantic Ocean nang nag-iisa at sa pamamagitan ng pagsasagwan dahil nagawa na ito ng 67 anyos na si Aleksander Doba na taga-Poland noon pang 2010.

Gayunpaman ay naka­pagtala pa rin si Bertish ng bagong world record matapos siyang maka­pag­­lakbay ng higit 115 kilometro sa loob lamang ng isang araw. 

ATLANTIC OCEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with