^

Punto Mo

‘Dinobleng multa’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

AGAD na ni-raid ang warehouse ng Mighty Corp. matapos makatanggap ng balita na may mga fake tax stamp ang mga kaha ng kanilang sigarilyo.

Maraming isyu ang kinakaharap ng Mighty ngayon. Isa na dito ang hindi pagbabayad ng tamang buwis at smuggled na produkto.

Ipinapaaresto ni Presidente Rodrigo Duterte ang Presidente at may-ari ng Mighty Corp. na si Alex Wong Chu King pero hindi ito naisagawa dahil wala pang kasong naisasampa laban sa kanya.

May mga kasong nakatakdang isampa laban sa kompanya at isa na dito ang tax evasion at ‘economic sabotage’ kung saan pinaaaresto ni Presidente Duterte si Wong Chu King.

Nag-alok ng 1.5 bilyong piso ang kompanya para sa settlement pero ang sagot ng Presidente ay tatlong bilyong piso ang kanilang ilagak at maaayos na ang problema nila. Doble nang inalok ng kompanya.

May paglalaanan na ang Presidente kung sakaling papayag ang Mighty Corp. sa kanyang counter-offer.

Sa pagpapagawa at pagpapaayos ng mga ospital niya naisip na ilaan ang perang makukuha sa Mighty Corp. Isang bilyong piso para sa Mary Johnston Hospital sa Tondo at ang dalawang milyon ay sa dalawang ospital sa Basilan at Sulu Province.

Umalma naman ang iba pang mga negosyante. Maliit at hindi raw patas para sa kanila na nagbabayad ng tamang buwis ang tatlong bilyong babayaran ni Wong Chu King.

Maaari itong maiakyat sa limang bilyong piso. Idiretso na raw ang pera sa Department of Health (DOH) para maisaayos at matapos na ang pagpapagawa ng mga ospital ayon sa Presidente.

Hindi naman makakalabas ng bansa ang may-ari ng Mighty Corp. pati na rin ang kanyang kapatid sa paglabas ng immigration look-out bulletin laban sa kanila ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

May mga nahuli pang nagtatrabaho sa Mighty Corp. na nagtapon ng karton-kartong sigarilyo sa Sucat, Para?aque. Hinati ito sa gitna kaya hindi na mapapakinabangan pero kukumpirmahin pa kung peke din ba ang mga tax stamps ng mga ito.

Kung papayag si Wong Chu King sa counter-offer ng Presidente isipin niya na lang na tumulong siya sa pagpapagawa ng mga ospital.

Kung hindi naman siya sasang-ayon paniguradong bubuksan ang kanilang mga libro at titingnang mabuti kung nagbabayad ba sila ng tamang buwis mula taong 2010 hanggang 2015.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

MIGHTY CORP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with