‘Paihi’
ANTITIGAS talaga ng bunbunan nitong mga nagbebenta ng paihi.
Alam nang ilegal at delikado pero sige pa rin sa pagbebenta ng mga bote-boteng gasolina at krudo.
Ito ‘yung mga murang gasolina at krudo na inilalako ng mga maliliit na sari-sari store. Mura dahil puslit o nakaw kung tawagin “paihi.”
Nabibili ang mga paihi sa mga dorobong tsuper at pahinante ng mga malalaking truck. Matagal nang namamayagpag ang patagong industriyang ito.
Ang mga drum-drum o galon-galon na mga nakaw na produktong petrolyo, idini-deliver ng patago sa kanilang mga parokyano.
Supplier kung tawagin nila ang mga nagbabagsak sa kanila ng mga ipinuslit na gasolina at krudo. Ibinibenta sa mga gilid-gilid ng kalye nakapatong sa estante na akala nila para lang mga soft drinks.
Ilegal ang pagbebenta ng mga paihi ayon sa Department of Energy dahil nakokompromiso ang seguridad at kalusugan ng publiko at posibleng magliyab anumang oras.
Tulad ng mga sari-sari store na trinabaho ng KILOS PRONTO sa Pasig City nitong nakaraang linggo. Sarado na sila ngayon.
Problema, siguradong pagkalipas lang ng ilang araw itong mga sindikato at grupong nasa likod ng paihi, business as usual na naman.
Dapat sa mga putok sa buhong ito, binabalatan ng buhay. Tingnan natin kung makakasipsip pa sila ng mga krudo at gasolina.
• • • • • •
Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa mga palabas ng BMUI, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.
- Latest