^

Punto Mo

Ibang planeta

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NAG-IISANG nabubuhay na nilalang ba ang tao sa buong kalawakan?

Isa itong tanong na hanggang sa kasalukuyan ay hinahanap ng mga scientist ng kasagutan. Ilang bilyong salapi at mga dekada na ang ginugugol ng mga dalubhasa at ng mauunlad na bansa para malaman kung may ibang nabubuhay sa labas ng Daigdig pero lubha pa ring mailap ang kasagutan.  Wala pang matibay at malakas na pruweba kung totoo ang mga Alien kaya ang mga napapanood nating mga sci-fi movies hinggil dito ay nananatiling kathang-isip lamang at ang mga pekeng balita o impormasyon hinggil sa mga extraterrestial creatures ay nananatili ring peke.

Bukod sa mga planeta sa solar system na kinabibilangan ng daigdig, sa pamamagitan ng mga makabagong telescope, computer at iba pang hi-tech na instrumento ay nakatuklas na ng iba pang mga planeta sa malalayong sulok ng kalawakan at meron pa ngang kinakikitaan ng potensiyal na maaaring may nabubuhay na mga nilikha rito o puwedeng mabuhay ang tao roon. Tulad na lang ng napaulat nitong nagdaang linggo hinggil sa pitong planetang kasinglaki daw ng Daigdig na  umiikot sa isang red dwarf star na tinatawag na TRAPPIST-1 (ipinangalan ito sa telescope na  Transiting Planets and Planetisimal Small Telescope na ginamit sa pagtuklas sa naturang mga planeta). May layo itong 40-light years mula sa ating planeta. Sinasapantaha rin ng mga scientist na maaaring may tubig dito pero haka-hala lang naman iyon.

Hindi naman sa naturang dwarf star lamang nakakita ng ibang planetang umiikot dito. Marami na rin namang nasilip at  natuklasang bituin na iniinugan ng mga planeta pero mas marami daw ang mga planetang umoorbit sa Trappist-1. Tinatawag ding habitable zone ang kinaroroonan ng Trappist dahil nga maaari raw itong panirahan o may mga nilalang o organismong maaaring nabubuhay dito.

Maganda rin namang balita ang pagkakatuklas sa ibang mga planeta sa ibang bahagi ng kalawakan. Pero mas maganda sana kung matutuklasan at mapapatunayang puwedeng tumira at mabuhay ang mga tao roon. Mas maganda rin kung makakatuklas ng mas mabilis at madaling paraan para makapunta roon.

* * *

Ipinahayag kamakailan ng World Health Organization na mahigit 300 milyong tao sa buong daigdig ang dumaranas ng depression sa kasalukuyan. Katumbas umano ito ng 4.4 porsi-yento ng populasyon ng mundo.  Meron naman umanong mga lunas sa depression pero mas mababa lang daw sa 10 porsiyento ng mga depressed na tao ang nakakatanggap ng panlunas dito.

 

KALAWAKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with