^

Punto Mo

Ekstra-ordinaryong pakinabang

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… sa ordinaryong bagay:

Ang cooking oil ay hindi lang pamprito, mabilis na pampatuyo rin ito ng cutex sa kuko.

Ang mayonnaise ay hindi lang sa salad, pampatay din ito ng kuto sa inyong ulo.

Ang Elmer’s glue ay hindi lang pandikit sa papel, pantanggal din ito sa blackheads. Ipahid sa affected area. Patuyuin at saka biglang hilahin kasama ang blackheads.

Ang Lipton tea ay hindi lang pantunaw ng kinain, pampakintab din ito ng buhok. Ibabad sa mainit na tubig ang tsaa. Palamigin. Dagdagan ng tubig. Itabi muna. Mag-shampoo. Banlawan ng tubig. Ang huling ibubuhos sa buhok ay ang pinalamig na tsaa.

Ang plain Nestea ay hindi lang inuming pampalamig, ito ang ibinubuhos sa na-sunburn na balat.

Ang suka ay hindi lang sawsawan ng sitsaron, ginagamit itong pantanggal ng malalang balakubak. Magtimpla ng 1:1 ratio ng suka-tubig. Depende ang dami sa haba ng buhok. Ibuhos sa anit. Imasahe ang mixture sa anit. Hayaang nakababad ng at least 15 minutes saka banlawan at mag-shampoo. Imasahe ulit ang anit at saka banlawan.

Ang 7UP ay hindi lang pampalamig, pampatagal din ng buhay ng bulaklak sa vase. Ito ang pagbabaran sa halip na tubig.

Ang Vodka ay hindi lang alak, puwede rin itong disinfectant ng inyong toothbrush.

Ang baby oil ay hindi lang pampahid sa kutis ng babies, pampahid din ito sa cracked heels or nagbibitak-bitak na sakong.

Ang hair dryer ay hindi lang para sa buhok, ginagamit din ito para magmukhang makinis at ‘glossy’ ang cake frosting. I-adjust sa low heat ang hair dryer at dahan-dahang i-blow sa paligid ng cake na may icing.

 

PAPEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with