^

Punto Mo

‘Lindol!’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

PITO ang patay habang daang katao naman ang nasaktan sa nangyaring lindol sa Surigao City.

Ilang libong kababayan natin ang tinamaan ng lindol at hanggang ngayon ay natatakot pa rin sa aftershock ng 6.7 magnitude na lindol.

May ilang pasyente na sa parking lot na lang ginamot dahil nga marami ang nasaktan.

Ang ilan nating kababayan nadaganan ng kanilang bahay kaya patay na nang ma-rescue.

Limang pampublikong kalsada ang nasira habang anim na tulay naman ang hindi madaanan kaya nahihirapan ding makarating kaagad ang tulong para sa mga biktima ng lindol.

Nagtagal din ang pagbibigay ng pangunahing tulong para sa kanila at ilang oras pa ang binilang bago nakuha ang mga relief goods.

Maging si Presidente Rodrigo Duterte ay ilang oras nahuli sa pagbisita sa mga biktima sa hirap ng daan. Hindi rin maganda ang panahon kaya lalong na-delay ang kanyang pagdating sa Surigao.

Hirap ang mga tao dahil walang malinis na tubig at walang kuryente. Ganun pa man nangako ang Presidente na maglalaan siya ng dalawang bilyong pisong tulong para sa mga biktima sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang isa sa bibigyan nila ng tulong ay ang mga kababayan natin na kinakailangang sumailalim sa ilang treatment dahil sa trauma sa nangyaring lindol.

Naglaan na rin ang DPWH ng dalawang daang milyong piso para maisaayos ang mga nasi-rang kalsada at tulay pati na rin ang paliparan na nagkaroon ng bitak at pansamantalang hindi pwedeng madaanan ng eroplano.

Tanging mga helicopter lang ang pwedeng lumabas at pasok sa Surigao airport.

Nakikiramay kami sa lahat ng naging biktima ng lindol at sa lahat ng namatayan.

Hindi biro ang trauma nito lalo na sa mga bata na matatakot na tuwing may pag-alog ng lupa ang mangyayari.

Mahina man na pag-alog dahil sa aftershock nandyan na ang takot na baka maulit ang nangyari.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

SURIGAO CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->