Ang nakatiklop na napkin
… at simbolo nito sa paniwala ng mga Katoliko
ISANG rule ng fine dining ay tiklupin nang maayos ang napkin at ilagay sa tabi ng plato kung tapos ka na sa pagkain. Kung hindi pa tapos sa pagkain pero kailangan mong tumayo at iwan pansamantala ang iyong pagkain, ang napkin ay iiwan mo lang sa iyong silya nang hindi nakatiklop. O, kaya ay iiwan mo ang napkin sa ibabaw ng mesa nang hindi nakatiklop. Signal iyon sa waiter na huwag nilang ililigpit ang iyong mga plato dahil babalik ka pa.
Noong pumasok sa libingan ni Hesus ang kanyang mga disipulo, natagpuan ng mga ito na maayos na nakatiklop ang telang ipinantakip ni Hesus sa kanyang mukha. Agad nilang naunawaan iyon ay hudyat na tinapos nang lahat ni Hesus ang kanyang tungkulin dito sa mundo at tuluyan nang mamamalagi sa kaharian ng kanyang Ama sa langit. Tinotoo ni Hesus ang kanyang sinabi habang nakabayubay sa krus at bago malagutan ng hininga: “Natapos na!”.
- Latest