^

Punto Mo

Kulay orange na buwaya, lumitaw sa south carolina

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang kulay orange na buwaya ang bigla na lang lumitaw malapit sa isang sapa sa Charleston, South Carolina at walang makapagsabi kung bakit ganoon ang kulay ng balat nito.

Makikita sa mga larawan na nakatambay lang sa gilid ng sapa ang orange na buwaya na tinatayang nasa limang talampakan ang haba.

Nagbiro tuloy ang ilan sa mga residente na baka raw nasobrahan sa tanning lotion ang buwaya kaya nagkaganon ang kulay nito.

Maari rin daw na ginagaya lang nito ang kulay ng basketball team ng kanilang lugar.

Paliwanag naman ng isang opisyal ng South Carolina Department of Natural Resources na maaring ang orange na balat ng buwaya ay dulot ng kalawang mula sa mga kanal na pinaglulunuyan ng mga ito.

May posibilidad din na dulot ito ng matinding polusyon sa nilalanguyan ng mga buwaya ayon sa biologist na si David Steen na nakakita na ng mga pagong na nag-iba ang kulay dahil sa kontaminadong tubig.

Anuman ang dahilan, sigurado ang mga eksperto na babalik din sa dati ang kulay ng buwaya dahil nagpapalit ng balat ang mga ito katulad ng iba pang mga reptiles na kauri nila.

CHARLESTON

DAVID STEEN

SOUTH CAROLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with