10 Survival Tips
February 1, 2017 | 12:00am
- Remember the Laws of 3: It takes 3 minutes to die without oxygen; 3 hours to die without shelter; 3 days to die without water; and 3 weeks to die without food.
- Kung gusto mong huwag kang abalahin ng ibang tao, magsuot ka ng earphone kahit wala kang music na pinakikinggan.
- Basic weight loss tips: 1) uminom ng mas maraming tubig 2) paliitin ang portion sizes. Halimbawa, kung dati ay nakakaubos ka ng 2 cups rice/meal, gawing 1 cup na lang. 3) limitahan ang paggamit ng asukal 4) isang beses na lang kumain ng carbs per day 4) pagkaing niluto lang sa bahay ang kainin.
- Kung nakulong sa loob ng kotse na nahulog sa ilog: Tanggalin ang headrest at ito ang ipambasag ng salamin ng bintana.
- Kapag nakikipag-inuman: Uminom ng tubig kada shot ng alak para hindi ka malasing at magkaroon ng hangover.
- Kapag nakakaranas ng depresyon, maglinis ka ng bahay. Ayon sa psychologist, ang malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng malinaw na pananaw sa buhay.
- Popcorn ang healthiest snack. Nagpapatigas ito ng buto, muscle, tissue, nakakatulong sa digestion at mainam magpatibay ng ngipin.
- Masakit ang tiyan? Humiga at tumagilid sa kaliwa. Hilutin ang tiyan nang clockwise. Gayahin ang direction ng pag-ikot ng kamay ng relo.
- Ang 15 minutes na jump roping ay nakakasunog ng 200 calories. Ang jump roping ay one of the best and efficient forms of cardio.
- Kung hindi ka kakain sa loob ng 12 hours, babagal ang iyong metabolism ng 40 percent. Kaya napakahalagang kumain nang regular kung guston magpababa ng timbang.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended