^

Punto Mo

Barbero sa pakistan, apoy ang gamit sa paggupit ng buhok

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Sa unang tingin ay isa lamang pangkaraniwang barbero si Shafqat Rajput sa Bahawalpur, Pakistan kaya hindi aakalain na gumagamit siya ng apoy upang putulin ang buhok ng kanyang mga customer.

Sumikat si Shafqat sa social media nang i-upload sa Facebook ang isang video na nagpapakita kung paano siya nanggugupit ng buhok gamit ang apoy.

Makikita sa video ang paglalagay ni Shafqat ng powder at gas sa buhok na kanyang sinisindihan gamit ang lighter.

Inaapula niya ang apoy sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsusuklay sa nasusunog na buhok. Uulit-ulitin ni Shafqat ang proseso hanggang sa makuha niya ang gustong gupit ng kanyang customer.

Mapapansin namang walang kakibu-kibo ang ginugupitan ni Shafqat habang sinisilaban niya ang buhok nito.

Bagama’t marami ang nabilib sa paraan ni Shafqat, marami rin ang nagpahayag ng pangamba sa paggamit niya ng apoy dahil bukod sa mapanganib ito ay hindi rin ito nakakabuti sa buhok.

BARBERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with