^

Punto Mo

9 Life Lessons

SEARCH FOR TRUTH - Ms. Anne. - Pang-masa

1. Huwag iinumin na magkasabay sa isang gabi ang laxative at sleeping pills. Alinman sa dalawa ang mangyari: Mapa-ebs ka sa higaan o hindi tumalab ang sleeping pills dahil gigisingin ka ng tiyan na kumukulo.

2. May mga taong ang hilig gawing topic ng conversation ang kanyang relihiyon pero hindi naman niya binibigyan ng tsansang  mapag-usapan ang  relihiyon ng kanyang kausap. At kung maisingit ng kausap ang kanyang relihiyon, yung simpleng kuwentuhan ay nauuwi sa debate.

3. The most destructive force in the universe is TSISMIS.

4. Hangga’t hindi mo nakikitang ang isang babae ay nanganganak, huwag na huwag mo siyang tatanungin kung siya ay buntis, gaano man kalaki ang kanyang tiyan. May karapatan ka lang magtanong kung ang babae ay immediate family mo.

5. Dapat mong tanggapin na kapag lumampas ka na sa pagkabata, hindi na big deal ang iyong birthday sa ibang tao.

6. Ang bawat paggising natin sa umaga na walang nararamdamang masakit ay maituturing na isang tagumpay!

7. Mas pagsisisihan mo ang mga bagay na hindi mo nagawa kaysa mga nagawa mong pagkakamali. Dahil sa pagkakamali, may natutuhan ka. Pero doon sa hindi mo ginawa . . . WALA.

8. Habang nagkakaedad ang isang tao, natatanggal ang ugali niyang trying hard people pleaser. Kasi wala na siyang pakialam kung gustuhin man siya o hindi ng ibang tao. Ang mahalaga ay ini-enjoy niya ang buhay.

9. Habang tumatagal ang pagsasama ng mag-asawa, “lust wanes, love remains.

LAXATIVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with