^

Punto Mo

Bangungot ng martial law nakaaaburido!

Pang-masa

MARAMING nangilabot sa sinabi ni President Digong na hindi siya mangingiming magdeklara ng martial law para sa kapakanan ng republika. Talamak na ang kasamaan sa bansa dahil sa korapsyon at masasamang elemento na ang karamihan ay impluwensiya ng pulitika na ang pinagmumulan ay ang lokal na pamahalaan, kaya marahil nakapagbitaw nang maaanghang na salita ang Presidente sa kanyang pakikipagpulong sa mga mayor sa buong bansa.

Maselan ang naging pahayag ng Presidente sa mga negosyante na wala siyang pakialam sa Supreme Court sa gagawin niyang pagdedeklara kung sakali dahil, ito ay maliwanag na paglabag sa Kontitusyon. Kaya naman, nagkakamalisya ang nakararami na nagbubukas ng pinto ng anarkiya ang Presidente dahil alam niya na marami ang tututol dito maging ang kanyang mga kapanalig na makakaliwang grupo. Ipanalangin na lamang natin na makaisip ng ibang formula ang security advisers ng Presidente.

Kung babakasin ang pinagmulan ng Presidente, hindi kapani-paniwala ang ganitong adhikain sa kanyang katauhan, sapagkat marami ang naniniwala na siya mismo ay galit sa martial law, at bilang isang magaling na abogado at naging fiscal, parang imposible na magagawa niyang labagin ang Konstitusyon.

Ang talamak na problema sa bawal na droga at korapsyon ang pangunahin niyang dahilan upang makapagbitaw ng maseselang salita mula pa noon, ngunit, dapat din namang isipin ng Presidente na mas marami pa ring Pilipino ang nais mamuhay sa demokratikong bansa, na nagnanais din ng malinis na gobyerno at ligtas na pamayanan.

Ang pakikiisa lamang ng matitinong mamamayan ang kailangan  dito,  katuwang ang mga tapat sa serbisyong alagad ng  AFP, PNP o sumali na rin ang NPA na maglunsad ng giyera laban sa korapsyon, iligal na sugal at bawal na droga, kahit pa mga mas nakatataas sa kanila ang mga sangkot? Baka naman iyan lang ang ibig sabihin ng  mensahe ni President Digong!

BAKAS sa UNTv Radio 1350 KHz AM band Sabado 5:00-7:00 p.m. www.untvradio.com.ph  BAKAS! Kokoy Alano

BANGUNGOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with