^

Punto Mo

Mga ‘epal’ na partylist representatives

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MARAMING partylist representatives ang nagpapa-pansin at mahilig sumakay sa mga isyung pangnasyunal.

Dapat ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng partylist representatives ay ang mga pagsusulong ng panukalang batas para sa interes ng sektor na kinakatawan nito sa Kongreso.

Isang halimbawa ng pinaka epal na partylist representa­tive ay si congressman Rodel Batocabe na halos lahat yata ng isyung pambansa ay sinasakyan nito maging ang pagbubuwis.

Dapat ay unahin ni Batocabe ang mga isyu na may kinalaman sa kanyang mga kababayan sa Bicol Region.

Sa halip na umepal sa ibang usapin ay dapat isulong ni Batocabe ang panukalang batas na makatutulong sa mga Bicolano na madalas tamaan nang malalakas na bagyo. Malaking pinsala ang inaabot lalo na ang mga magsasaka at nagtatanim ng abaka na pangunahing produkto ng kanilang rehiyon.

Heto na ang matagal kong sinasabi na inaabuso na ang partylist system na halos karamihan sa nauupong kinatawan ay mga mayayaman tulad ni Batocabe na hindi kumakatawan sa tinatawag na kapuspalad o dehado sa lipunan.

Bukod sa Ako Bicol partylist ay marami pa ang nakakuha ng puwesto sa Kongreso na sinasabing mga mayayaman. Tulad ni 1 Pacman partylist Rep. Mike Romero na may-ari ng basketball team sa Philippine Basketball Association (PBA) at itinutiring na bilyunaryong  mambabatas.

Wala pa akong nabalitaan na nagsulong at nakipagbalitaktakan si Romero sa Kongreso para sa kapakanan ng sektor ng sports partikular ang mga dehado sa sektor na ito.

Ang mabuting halimbawa na nagtratrabaho para isulong ang kapakanan ng kanilang kinakatawang sektor sa Kongreso ay ang Gabriela partylist na napakabilis kumilos kapag may isyu sa mga kababaiham. Ganundin ang Bayan Muna at iba pang partylist groups na ang adbokasiya ay ang isulong ang kapakanan ng mamamayan.

Dapat maghigpit ang Comelec ang mga sasabak na partylist groups at tiyakin na walang mayayaman na kakatawan. Higit sa lahat ang grupo ay tunay na kumakatawan sa mga dehado at mahihirap upang magsilbing boses sa Kongreso.

PARTYLIST REPRESENTATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with