^

Punto Mo

‘Internet identity thief’

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Ben Tulfo - Pang-masa

MAG-INGAT sa mga nakaka-transaksiyon ninyo online. Internet savvy na rin ngayon ang mga dorobo at kawatan.

Lalo na sa mga nagbebenta at nag-aalok ng iba’t ibang mga produkto at serbisyo sa mga social media sites. Huwag agad maniniwala.

Marami na ang mga nabiktima ng identity thief. Ang tanging kasalanan lang nila, nagbigay ng mga personal na impormasyon sa hindi pa nakikitang kausap.

Kuwidaw, baka kasi ang katransaksyon ninyo ay dorobo, Gagamitin lang ang inyong identidad sa kanilang modus.

Matagal nang nagbigay ng babala ang NBI at PNP ma-ging ang kolum na ito, huwag magbibigay ng mga critical information sa mga nakakausap lang sa internet.

Tulad nang nangyari sa dalawang magkasintahang lumapit sa KILOS PRONTO. Naengganyong bumili ng post paid plan na nakita sa Facebook.

Unang hiningi raw ng suspek ang dalawang valid ID ng biktima. Agad naman nila itong kinuhanan ng litrato at ‘si-nend’ sa paniwalang gagawing express ang kanilang post paid application.

Problema, pagkapasa pa lang daw nila ng mga ID bigla na raw silang “binlock” ng suspek. Gamit ang ibang Facebook account nagulat na lang daw sila dahil ang pangalan at litrato na niya ang ginamit nito.

Patuloy na babala ng BITAG sa publiko lalo na sa mga mahihilig bumili at makipagtransakyon online, maging matalino.

Mas mabuti ng praning kaysa luhaan.

* * *

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

KILOS PRONTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with