^

Punto Mo

‘Panis na, balita pa lang sa iba

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BAGO pa ba ang “Leni leaks?” 

Kung tawagin namin ito sa media in-“ss” na istorya. Rehash. Inangguluhan lang ulit, balita na. 

Pilit binuhay ng mga netizen sa social media na sinakyan at pinatulan naman ng ibang media.  

Disyembre pa ng nakaraang taon in-expose ko na ito sa programa ko pareho sa Bitag Live at Ben Tulfo Unfiltered. 

Ito yung panawagan ni Loida Lewis na kilalang supporter ng mga dilawan. 

Mag-resign na raw si Pres. Rody Duterte. Natapos na raw kasi ang ipinangako niyang 3-6 months drug war  pero wala pa raw siyang nagagawa. 

Isa rin sa mga sinisilip nila ang pagpayag ng presidente na mailibing si dating Pres. Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Dahil tinanggal na rin si VP Leni Robredo sa Gabinete noon, hinihikayat nila ang mga “rich brats” na dalhin ang isyu sa kalsada. 

“Rich brats” ang tawag ko sa mga millennials sa mga prestihiyosong Catholic school na inuudyok ng mga dilaw. 

Hindi na bago ang isyung ito. Leni leaks? Maaaring totoo, maaaring hindi. 

Kung totoo man ang sinasabing pag-uusap ng mga dilaw sa email na nag-leak sa social media, mayroon itong pinagmulan.

• • • • • •

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

PANIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with