^

Punto Mo

Maging alerto sa Black Nazarene procession Albayalde!

ESSENCE - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Naghihinagpis ang mga masahista sa Titans sa Macapagal Ave., sa Pasay City dahil kinakaltasan ng isang alyas Jojo ang sahod nila ng tig-P1,000 kada Saturday. Hindi naman makahindi ang mga masahista dahil sa pananakot ni Jojo na sisibakin sila kapag hindi naghatag. Dalawa na sa kanilang kasamahan ang natigbak dahil ayaw magbigay ng lingguhang tong kay Jojo. Ayon sa mga masahista, sayang din itong P1,000 na kita at malaki na itong tulong sa kani-kanilang pamilya. Kung may 14 masahista sa Titans, tumataginting na P14,000 ang nakokolekta ni Jojo, di ba mga kosa? Saan kaya napupunta ang P14,000 na ito? Sa bulsa kaya ni Chief Supt. Tomas Apolinario, ang SPD director? Para sa kaalaman ni Apolinario, si Jojo ay nagtatrabaho sa The Bay sa Baclaran at ang kolektor niya sa mga masahista ay si alias Jun, na parking boy ng Titans. Hehehe! Nagkakalyo ang mga kamay ng masahista sa pagtatrabaho sa suki nilang Hapones at Koreano subalit imbes na sa pamilya iba ang nakikinabang sa pinaghirapan nila. Get’s mo Gen Apolinario Sir?

* * *

Nanawagan si Dir. Oscar Albayalde, ang hepe ng NCRPO, na bawal sa Black Nazarene procession ngayon ang mga buntis, bata, matanda, at may karamdaman na sumali sa Traslacion para hindi sila mapahirapan dahil sa milyong deboto na dadagsa rito. May posibilidad kasi na maipit sila sa sobrang dami ng tao o dili kaya hindi makahinga. Noong nakaraang taon kasi, dalawang deboto na may karamdaman ang namatay at halos 1,200 katao ang nagkasugat dahil sa tulakan para lang makarating sa karo at mag-bless sa Black Nazarene. Kaya ang payo ko sa mga deboto, sundin ang alituntunin ni Albayalde dahil ang kaligtasan nila ang nasa isipan ng NCRPO chief. Hehehe! Get’s n’yo mga kosa? Mismo! Dahil sa mga report na may plano ang Maute at iba pang terrorist group na magsagawa ng bombing run sa translacion, minabuti rin ni Albayalde na ipagbawal ang pagdadala ng mga backpack dahil baka bomba ang laman nito. Bawal din ang magpaputok ng rebentador at iba pang banned firecrackers at baka maging pasimula ito ng stampede ng mga deboto. At higit sa lahat, plano rin ni Albayalde ang pagputol ng signal ng Smart, Globe at iba pang telecommunication companies dahil ang cell phones ang kadalasang ginagamit ng mga terorista na triggering device sa mga bomba. At para matiyak ni Albayalde na ligtas talaga ang Black Nazarene procession, nagsagawa ito nang malawakang raid sa Quiapo, Manila at sa detention cells ng Abu Sayyaf, MILF, MNLF, NPA, Ansaw Kalifa sa SICA 1 at SICA 2 sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City sa suspetsang may kinalaman sila sa planong pambobomba sa translacion. Nakumpiska ng mga tauhan ni Sr. Supt. Eleazar Matta, hepe ng intelligence ng NCRPO, ang tatlong cellular phones kung saan ang mga contact number dito ay pinasailalim sa analysis na maaring makapagbigay sa NCRPO ng mahalagang impormasyon. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Maging ang mga embahada ng US at UK ay nagbigay ng kani-kanilang warning sa citizens nila na mag-ingat sa ngayong Black Nazarene procession. Hehehe! Wala pa namang positibong intelligence information ang NCRPO at military ukol sa pag-atake ng mga terorista subalit naniniguro lang si Albayalde na ligtas ang sambayanan sa gagawing aktibidad. Kaya ‘wag nating sisihin mga kosa ang kapulisan kung sobrang higpit na seguridad ang ipatutupad nila sa lahat ng ruta ng Black Nazarene procession para masiguro na walang mangyayaring masama sa kanila, di ba mga kosa? Tumpak!

At paalala rin sa mga kapwa nating Pinoy na may gun ban sa ngayong araw at baka sa kulungan sila damputin kapag nilabag nila ang kautusan na ito ni Albayalde, di ba mga kosa? Para maging matagumpay at walang masaktan sa Black Nazarene procession, kailangan lang sigurong magtulungan tayo mga kosa at nanawagan si Albayalde na maging alerto tayo sa lahat ng oras para mapigilan ang may planong magsabotahe sa religious activity na ito. Abangan!

TITANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with