French centenarian, nakapagtala ng World record sa cycling sa edad na 105
NAKAPAGTALA ng bagong record ang isang French centenarian, matapos siyang makapagbisikleta ng pinakamalayo sa loob ng isang oras sa kabila ng edad niyang 105.
Nakapagbisikleta si Robert Marchand ng layong 22.547 kilometro sa loob ng isang oras sa isang arena malapit sa Paris.
Ito ang pinakamalayong naitala sa pamamagitan ng pagbibisikleta para sa isang 105-anyos na katulad ni Marchand.
Hindi ito ang unang beses na nakapagtala ng record si Marchand.
Hawak din niya ang record ng pinakamalayong narating sa bisikleta ng isang 100 taong gulang at pataas. Naitala niya ito noong 2012 nang makapagbisikleta siya ng 26.927 kilometro sa loob ng isang oras.
Ipinanganak si Marchand noong November 26, 1911. Pagkatapos sumabak sa World War II ay nagtrabaho siya bilang tagaputol ng troso sa Canada at tagapagtanim ng tubo sa mga sugarcane plantation sa Venezuela.
Itinuturo niya ang pagkain nang maraming prutas at gulay at pag-iwas sa karne at kape bilang mga dahilan kung bakit maayos pa rin ang kanyang pangangatawan sa kabila ng kanyang edad.
- Latest