^

Punto Mo

‘Takot sa totoong kasaysayan’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MALAMANG sariwa pa sa isipan ng publiko ang gina­wang pangangampanya ni dating Pangulong B.S. Aquino ilang buwan bago ang eleksyon.

Dismayado. Galit na galit habang naglilibot. Naghanap pa ng damay sa mga presidentiable. Ayaw niyang mailibing ang da-ting Presidente Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Talagang muling binuhay ang isyu. Pilit sinariwa ang malagim na karahasan ng Martial Law.

Papaano ba naman kasi, lumabas sa survey walang pakialam ang mga kabataan sa madilim na kabanata ng Marcos era. Kaya ang tawag ni PNoy sa kanila, “the lost generation”.

Sinisisi niya ang mga eskwelahan, unibersidad at mga kolehiyo. Hindi raw itinurong mabuti ng mga guro sa mga bata ang Martial Law.

Malas lang ng mga Liberal pabor si Pres. Rody Duterte na mailibing ang mga labi ng sinasabi nilang diktador sa Libingan.

Kaya nang mailibing si dating Pangulong Marcos noong Biyernes biglang naglabasan ang mga dilaw. Gustong ipabawi ang desisyon ng Korte Suprema.

Ang nakaka-bwisit pa, pati mga batang wala pang kamuwang-muwang, ginamit. Ibinilad sa araw, pinaghawak ng mga banner at sinubuan ng sasabihin sa bibig. Ewan ko lang kung magre-react dito ang CHR.

Ang nakakatawa, baka nga ang mga magulang nila noong Martial Law hindi pa isinisilang o mga totoy at nene palang na wala ring alam.

May karapatan namang mag-protesta ang mga anti-Marcos, pero huwag lang nilang ipagduldulan sa henerasyon ngayon.

Iba na ang panahon ngayon. Sa pag-unlad ng teknolohiya accessible na lahat. Hindi na tulad noon na mga ‘rich brat’ lang ang may karapatan sa kasaysayan.  Kung wala kang pambiling libro, sorry ka nalang.

Natatakot kasi ‘ata ang mga dilaw. Maaagawan na ng katawagan bilang bayani sina Ninoy at Cory dahil nailibing na si Marcos sa Libingan.

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel.

 

 

TAKOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with